Advertisers
NAGHAIN na nitong Martes ng Certificate of Candidacy (COC) si dating Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso para sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.
Kasamang naghain ng CoC si Isko ang kanyang pamilya, kungsaan tumatakbo ring city councilor ang anak niyang si Joaquin sa unang distrito ng lungsod.
Kasabay ni Isko, na kilala rin sa tawag na “Yorme”, na naghaion ng CoC ang kanyang bise alkalde na si Chie Atienza at iba pa nilang kaalyadong konsehal.
Sa panayam, iginiit ni Isko na ang kanyang pagbabalik ay dahil sa kagustohan ng taumbayan at ng batang Maynila.
Sakaling palarin muli maging ama ng lungsod, ang unang-una niyang gagawin ay ibalik ang mga nawala o natigil na mga pribilihiyo lalong na sa senior citizens.
Sinabi rin ni Yorme na ipamimigay na niya ang tatlong vertical housing program na kanyang sinimulan noong siya ang alkalde ng Maynila, kabilang rito ang Pedro Gil Residence, San Lazaro Residence at San Sebastian Residence. Ito ay parehong 20-storey condominium unit.
Ikinalungkot at pinagtataka rin ni Yorme na maging ang hospital sa Baseco ay hindi parin binubuksan hanggang ngayon.
“Tatlong taon nang Tapos yun eh– nagtataka ako bakit hindi nabubuksan eh, it took 3 years until now– eh bago tayo umalis eh gawa na yun. Nalulungkot lang ako because these are under our program “, pahayag ni Domagoso .
Samantala, sa kanyang pagsabak sa pulitika sa Maynila, tiniyak ni Vice Mayor aspirant Chie Atienza na kayang-kaya niyang pagkaisahin ang Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng paggawa ng isang dynamic group para sa mga programa na susuporta sa alkalde.
Ang pahayag ng vice mayor aspirant ay makaraang tanungin ng media kung mapapagkaisa nito ang Konseho matapos ang nangyari kagulohan sa sesyon nitong mga nakaraang buwan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)