Advertisers
Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa Banton, Romblon noong Linggo.
Sa ulat, nangingisda ang mga mangingisda sa paligid ng Brgy. Mainit nang makaranas ang kanilang bangkang de-motor ng mechanical failure.
Nakatanggap naman ng ulat ang Coast Guard Sub-Station Banton tungkol sa sitwasyon ng mga mangingisda kaya agad na inilunsad ang search and rescue operation na nauwi sa pagsagip sa grupo.
Hinila rin ng PCG response team ang motorboat patungo sa pinakamalapit na baybayin sa Brgy. Poblacion.