Advertisers

Advertisers

Closed van inararo 3 sasakyan sa Antipolo City

0 10

Advertisers

Inararo ng isang closed van ang 3 sasakyan sa Barangay Sta Cruz, Antipolo, Rizal Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Lieutenant Christopher Salisi, Antipolo Police officer on duty, papunta ang closed van sa Marcos Highway nang bigla itong lumipat ng linya at inararo ang mga sasakyan kasama ang isang motorsiklo, L300 at kotse.



Nakaladkad din ng closed van ang isang motorsiklo, kung saan nagliyab ito at isa pang sasakyan.

Kaagad na nirespondehan ng mga taga-barangay ang rider at angkas nito na nagtamo ng mga minor injuries.

Kasalukuyang nasa ospital ang mga biktima.

Sa salaysay ng driver ng van, galing siya sa Cogeo at papunta sana ng Marikina para kumain kasama ang kanyang mga kaibigan, nang mawalan umano ng preno ang minamanehong sasakyan.

Hawak na ang suspek ng Antipolo Police na posibleng maharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Injuries and Multiple Damage to Properties.