Advertisers
Ni Rommel Placente
MAY pinatatamaan si Julia Montes na idinaan niya sa kanyang Instagram story at pa-blind-item ito.
Ito ay tungkol umano sa isang tao, na dati raw niyang tinulungan, pero ngayon ay sinisiraan pa siya.
“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘diba!” caption niya sa kanyang post.
Dagdag niya, “Oo ikaw alam mo kung sino ka [face with hand over mouth, face blowing a kiss emojis].”
Aniya pa, “Mga tao talaga [monkey covering face, zany face emojis].”
Well, sino kaya ang pinatatamaan ni Julia? Sino kaya ‘yung sinasabi niyang tinutulungan niya pero gayon ay nagsasalita pa ng laban sa kanya?
Tungkol pa rin kay Julia, may bago siyang serye sa ABS-CBN na Saving Grace. Kasama niya rito ang Mega Star na si Sharon Cuneta, na una niyang nakatrabaho sa action-drama series na FPJ’s Ang Probinsiyano.
Bukod kina Julia at Sharon, kasama rin sa cast sina Sam Milby, Janice de Belen, Jennica Garcia, at Christian Bables.
Ito ang first time na magkakatrabaho at magkakasama sa serye sina Sharon at Janice, na parehong nakarelasyon noon ni GabbYy Concepcion.
Si Sharon ay naging asawa si Gabo. At si Janice naman, 14 years old pa lang siya nang maging boyfriend niya si Gabby, na kanyang first at puppy love.
Maging close kaya sina Sharon at Janice ngayong magkasama sila sa Saving Grace? Mapag-usapan kaya nila si Gabby?
Ang Saving Grace ay mula sa ABS-CBN Studios at Nippon TV ng Japan na siyang nag-produce ng Mother, na nagkaroon na rin ng remake sa iba’t ibang bansa.
Meron itong version sa Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Mongalia at Saudi Arabia.
***
DUMATING sa bansa ang ilang Korean Top Models (International K-Top Models) para sa ginanap na K-Top Model Global Tour Festival Season 6 na nagsimula noong Sept. 26-30, 2024.
Ang International K-Top Model ay binubuo nina Jang Juhyun (Roy Jang) , Yang Jisun ,Jun ByeongSun (Jeon Minju) , Choi Yeji , Choi Jounghee, Kim Heeae, Rho Hyesim, Shin Seungwon, at Lim Sanghyeok.
Proud sila na maraming Pinoy ang umiidolo sa mga KPop gaya ng BTS, Blackpink, EXO, Rain, Lee Min Ho, Lee Jong Suk, Cha Eunwoo.
Ang International K-Top Models ay pinangunahan ni Mr Jung Yongbae (CEO/President M Entertainment Media Group Korea), Angelica Jung at Miko Villanueva (Managing & Project Director).
Nilibot nila ang ilan sa magagandang lugar sa bansa gaya ng Palawan para mag-photo shoot, fashion show, at para makita na rin ang ipinagmamalaking tourist spots ng Pilipinas.
Hinahangaan at tinitingala nila si Pambansang Kamao Manny Pacquaio.
Nagsilbing inspirasyon din nila ang Pinoy by heart na sina Sandara Park at Ryan Bang. Bet din nila na makilala sa ‘Pinas at magkaroon ng print ads at TV commercial gaya ng dalawang Koreanong nabanggit.
Sa kanilang mediacon na ginanap sa Jebie Entertainmemt Production office ay naging espesyal na panauhin sina Niña Corazon Alvarado ( Gen. Manager ng LueurLauren International Company ) at Park Minjoung ( President of Korean Women Association in the Philippines ) .