Advertisers

Advertisers

MIAA bilang regulator, workshop sa ADB nagsimula na

0 44

Advertisers

Ang Manila International Airport Authority (MIAA) ay mayroong bagong papel ngayon na ginagampanan bilang ‘regulator’ para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Inanunsyo ni MIAA General Manager Eric Jose Ines sa kanyang talumpati sa weekly flagraising ceremony na ang MIAA ay sumasailalim sa napakahalagang pagbabago, isa na dito ay ang pag-shift bilang regulatory body para sa NAIA sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) agreement kasama ang newly-appointed operator, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).

Ang gobyerno ay umaasa umano sa development plan ng NNIC para sa NAIA. Ang tambalan ay tutulong umano sa MIAA na mapanatili ang atensyon nito upang maisakatuparan ang mahahalagang gawain ng pamahalaan, at titiyak din na ang pamahalaan ay patuloy na pangangalagaan ang interes nito, domestically at internationally.



Bilang bahagi ng nasabing shift, ang MIAA ay makikipagtulungan sa foreign specialists, kasama na ang two-day workshop na inorganisa ng Asian Development Bank at may layuning higit na malaman ng MIAA representatives ang mga obligations at mahirap na bahagi ng kanilang bagong posisyon bilang regulators at upang makapagtatag ng framework para sa banayad na transition ng MIAA sa bagong regulatory function nito.

Bilang dagdag sa regulatory transition, nagbigay si GM Ines ng updates sa nagaganap na reorganization sa MIAA at bilang bahagi ng transition sa bagong istruktura, may kabuuang 844 plantilla positions ang inalis, partikular ang mga positions ng mga empleyado na inilipat sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).

Bilang bahagi ng proseso, ang mga empleyado ay binigyan ng Separation Incentive Pay (SIP), upang matiyak na sila ay may dapat na kabayaran sa pag-alis nila sa MIAA.

Ibinahagi din ni GM Ines na ang MIAA proposed new organizational structure ay naisumite na sa Governance Commission for GOCCs (GCG) para sa approval. Kapag naaprubahan, ang bagong structure ay tutulong na mag-streamline ng operations at magpalakas sa MIAA regulatory capacity, upang epektibong matiyak na mamo-monitor nito ang progreso at pag-unlad ng NAIA.

Nanawagan si GM Ines sa patuloy na suporta at aktibong partisipasyon ng natitirang mga kawani ng MIAA at iginiit na ang kanilang papel ay mahalaga upang matiyak ang tagumpay ng transformation at epektibong regulasyon ng pangunahing paliparan ng bansa.



“Sana po maging parte kayo ng ating bagong tungkulin at bago nating role sapagkat hindi namin kaya kung kami lang,” pahayag ni GM Ines.

“Tulungan niyo sana po ako, hinihingi ko ang inyong tulong, paghati-hatian natin yung ating gagawin sapagkat hindi naming kakayanin kung iilan lang tayo. So, each and every one is really responsible to our new role,” dagdag pa ni GM Ines. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)