“MUJIGAE” Tatagos Sa Puso Ng Moviegoers, Direk Randolph Longjas Overwhelmed With Emotions Sa Kanyang Pelikula; WATER PLUS PRODU Marynette Gamboa Super Bongga Ang Birthday Party
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
“MUJIGAE” Tatagos Sa Puso Ng Moviegoers, Direk Randolph Longjas Overwhelmed With Emotions Sa Kanyang Pelikula; WATER PLUS PRODU Marynette Gamboa Super Bongga Ang Birthday Party
ISA sa kilalang movie outfit ang Unitel Pictures International ni Tony Gloria na ngayon ay Unitel x Straightshooters na.
Isa sa memorable film ng Unitel na tumatak talaga sa publiko ay ang comedy drama film na “Crying Ladies” na pinagbidahan ng 3 iconic stars na sina Hilda Koronel, Angel Aquino at Sharon Cuneta.
Aside sa naging big hit ito ay naging official entry pa sa Foreign Language Film Category of the 2025 Academy Awards. Ngayon aside sa kaliwa’t kanan nilang projects na napapanood sa online platforms, balik sa pagpo-produce ang Unitel x Straightshooters sa big family drama film na Mujigae (Rainbow).
Bida rito si Alexa Ilacad at ang Korean actor na si Kim Ji-soo na umapir sa Abot Kamay Na Pangarap sa GMA 7. Ipinakilala sa movie ang bagong tuklas na childstar na si Ryrie Sophia na isang Pinay-Korean. Base sa trailer na aming napanood ay tiyak na aantig sa puso ng manonood ang mga eksena sa pelikula na punung-puno ng puso at pagmamahal. Na lahat tayo ay pwedeng magkaroon ng pamilya kahit saan tayong lugar mapadpad.
Makare-relate rito ang mga single o Tita na walang anak, na pwedeng magkaroon ng anak sa batang mapupunta sa kanila at dito na nga papasok ang character nina Alexa, Ryrie at Kim Ji-soo. Nasa bonggang grand presscon ng Mujigae sa Sequia Hotel ang producer ng film na si Ma’am Madonna Tarrayo. At maganda ang sinabi nito sa pagbabalik ng kanilang movie outfit. “I believe every film deserve to be seen in cinemas. It’s still the go-to-screen for films and that’s what we’ve aimed for with Mujigae…to make film that feels both expansive and intimate, to create a truly cinematic experience.”
Excited pang tinuran ng butihing lady producer na 37 years na sa larangan ng producing films and projects for online platforms. “We are always watching out for new trends, and we continue to be there—-whether it’s an ad, a series, a film or any form of digital content. And about comeback film naman. While I come from a family that loves and accepts each other despite our flaws, I’ve also accepted that not families are created equal. Family can come from anywhere—-friends, co-workers, even pets. That’s what Mujigae means to me. Mujigae, our little hero, is that connection. Her love and resilience will bring people together,” pagsasalarawan pa ni Ma’am Madonna sa plot ng story ng movie nila.
“It’s been a while since I made a full length film, and to be honest, I’m overwhelmed with emotions. This project means a lot to me. At dahil sa magandang kinalabasan ng Mujigae (Rainbow) ay gustong pasalamatan ni Direk Randolph ang kanyang buong team, say pa nito, “Together, we moved mountains to bring this story to life and saw the mujigae at the end of it.”
Samantala, magkakaroon din ng papel si Kim Ji-soo sa buhay ni Mujigae at love interest siya ni Alexa rito. At pasok sa mga comedy na eksena si Rufa Mae Quinto na gaganap na Kapitana ng Barangay. Nasa cast din sina Richard Quan, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Roli Inocencio, Lui Manansala, at Peewee O’Hara. Humamig na ng 1.2 million views (still counting) and movie trailer ng Mujigae na mapapanood sa CinemaBravo ng kilalang showbiz vlogger na si Jonell Estillore. Si Alexa ang kumanta ng themesong ng movie na “Laban Fighting!” Marami talaga ang relate dito. Showing na ang Mujigae sa October 9, 2024 sa mga sinehan sa buong bansa.
***
KAPAG si Madam Mayora Marynette Gamboa talaga ang nagdaos ng party para sa kanyang birthday last October 1, talagang babaha ng pagkain at inumin. Maliban sa iba’t ibang Pinoy delicacies ay umaapaw sa dami ang deserts at siyempre hindi mawawala ang lechon.
And in all fairness super yummy ng lahat ng food at luto pala ito ng daughter ni Madam Marynette na magaling na Chef sa US. At umuwi lang ito sa kaarawan ng kanyang Mommy. By the way, lahat ng ine-expect ni Madam Marynette ay dumating. Kabilang na ang bidang actor ng big movie project nilang “IDOL” na biopic ni OPM Icon at “IDOL NG MASA” na si April Boy Regino. Nasa party rin ang wife ni April Boy na si Madelyn Regino, Tyronne Escalante at alagang si Kapuso actor Kelvin Miranda, Tanya Gomez, Irene Celebre, Rey PJ Abellana, Dindo Arroyo, Kate Galang, composer Boy Christoper, media friends kabilang na ang inyong columnist at Bff kong si Pete Ampoloquio, etc. Pero ang pinaka-surprise sa lahat ay nang ipanood sa amin ni Madam Marynette at partner sa buhay na si Efren Reyes Jr ang full movie ng IDOL na si Direk Efren ang director. Tikom muna ang aming bibig sa aming napanood. Pero isa lang ang aming masasabi, very inspiring ang story ni April Boy at bato o bakal na lang ang hindi iiyak kapag napanood ang pelikula. At halatang ginastusan ito ng WATER PLUS PRODUCTIONS ni Madam Marynette. Maganda at quality ang IDOL the movie. Isinali ito sa Metro Manila Film Festival 2024. At umaasa sina Madam Marynette at Direk Efren at buong cast ng IDOL na makakapasok sila sa Festival lalo’t this year sa lahat ng mga nagpasa ng entries, ito lang yata ang nag-iisang true to life story movie. Well, let’s hope for the best!