Advertisers
SINUBUKAN ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang maisalba sa bitay ang isa sa ating mga kababayan sa Saudi Arabia.
Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag matapos sentensiyahan ng parusang kamatayan isang ang Pinoy na nakapatay ng Saudi national na sinasabing nag-ugat sa personal na alitan.
Labis na ikinalungkot ng Pangulo ang masaklap na sinapit ng ating kababayan doon.
Ayon kay PBBM, bagama’t napaka-limitado ng mga opsyon ay sinubukan pa rin ng gobyerno ang lahat ng paraan upang mailigtas sa bitay ang Pinoy o kaya’y mapababa ang parusa pero sadya aniyang mahigpit ang batas sa Saudi.
Nagpaabot din ng pakikiramay at dasal ang Pangulo sa pamilya ng death convict.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na pagkakalooban ng legal assistance ang iba pang mga kababayan natin sa ibayong dagat na nangangailangan ng tulong. (Gilbert Perdez)