Advertisers
Isang person deprived of liberty (PDL) na tumakas mula sa Leyte Regional Prison (LRP) noong Agosto 24 ang nadakip sa Calamba, Laguna, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) noong Lunes.
“The swift and coordinated response of multiple agencies underscores the efficiency and determination of law enforcement in mitigating potential risks to public safety,” ayon sa ahensya.
Sinabi ng bureau na ang PDL ay inaresto noong Biyernes ng New Bilibid Prison Recovery Team sa pakikipag-ugnayan sa LRP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Rehiyon VIII.
Hindi naman na isiniwalat ng ahensya ang pagkakakilanlan ng tumakas.