Reps. Chua at Abante naghain na ng COC
Advertisers
“TUNAY na gawa ang alay namin sa mga Manileño at hindi lang basta laway na hindi naman naisasanla.”
Ito ang binigyang diin ni Asenso Manileño Party President Honey Lacuna, nang samahan niya si incumbent Congressmen Joel Chua (3rd district) at Benny Abante (6th district) sa filing ng kanilang certificates of candidacy (COCs) sa Comelec bilang mga reelectionists.
Pinasalamatan ni Chua ang alkalde sa kaniyang personal na suporta, kabilang na din ang mga kandidato sa third district bilang mga Councilor na sumama din sa kanya na kinabibilangan nina Pamela ‘Fa’ Fugoso, Maile Atienza, Atty. Jong Isip at first-time candidates for Councilor Jeff Lau at Karen Alibarbar. Si Lau ay president ng Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) habang si Alibarbar ay kapalit ng kanyang Asawa na si Terrence, na isang incumbent.
Nagpahayag si Chua ng may pagmamalaki na ang pagtakbo sa ilalim ng Asenso Manileño party lalo na at kasama si Lacuna bilang mayoral candidate, ay nagsabing si Mayor Honey most decent choice para magpatakbo ng pamahalaan.
“Kapag tinimbang ang aming hanay kumpara sa tiket ng iba, liyamado sa husay at malasakit ang Asenso Manileño mula Punong Lungsod hanggang sa mga pambato sa Konseho,” pahayag ni Chua, na siyang chairman ng House Committee on Good Government na siyang magiimbestiga sa mga katiwalian.
Si Abante, na siyang chairman ng House Committee on Human Rights,sa isang banda ay nagsabi na ang kanilang tiket ay may kredebilidad.
“At the top of our ticket is the compassionate and competent tandem of Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo. We have five incumbent congressmen who are chairpersons of House committees and a former lawmaker who used to chair the Committee on Metro Manila Development. Our city councilors are competent local leaders who have served the capital city well,” pahayag ni Abante na may pagmamalaki.
Si Abante, na mahalagang bahagi ng congressional Quad Committee na tumatalakay sa mga usapin tulad ng POGOs at extra-judicial killings, ay sinabi rin na: “the entire slate is of high quality and proven track record, not mere media appeal.”
Sa kanyang bahagi, binigyang diin ni Lacuna na:
“Sa mga darating na linggo, lalong mapagtatanto ng bawat botanteng Manileño na mas de kalidad, mas may integridad at mas maaasahan ang Asenso Manileño kumpara sa ibang hanay ng mga kumakandidato. Patuloy naming patutunayan na kami ang maasahang karamay ng mga Manileño sa hirap man o ginahawa.” (ANDI GARCIA)