Advertisers

Advertisers

VENDORS MULING NAMAYAGPAG AT NAG-HARI SA BLUMENTRITT

0 9

Advertisers

Muli na namang namayagpag at nag-hari ang mga vendor sa kahabaan ng Blumentritt hanggang sa Aurora Boulevard malapit na sa Chinese General hospital sa Sta. Cruz, Manila.

Madaling-araw pa lang ay sarado na ang nasabing kalye bunga ng sansamakmak na mga vendor na umokupa na sa buong kalye, bangketa at pati na rin center island.

Maliban sa mga vendor, naging terminal na rin ito ng mga tricycle, pedicab at mga kuliglig na nag-hambalang sa bawat kanto.



Ang dating maluwag na kalye na kung saan ka pwedeng maglaro ng patintero’t tumbang-preso ay barado ng muli. Hindi na naman ito pwedeng madaanan ng anumang uri ng sasakyan na kung sakaling makadaan man ay usad-pagong naman.

Ganoon din ang mga pedestrian at mga mamimili na sa halip na sa bangketa nagdadaan ay sa mismong kalye na ito dumadaan dahil nga sa parehong okupado ng mga vendor ang mga ito.

Parang libre at legal na magtinda sila dito. Walang nakikialam at paagaw na kumbaga. Mantakin niyong sa mismong kalye na naglalatag ng kanilang mga kalakal na minsa’y nasa bilao. nasa karton at ang iba nama’y sasapinan lang ng plastic o’ tela ang kanilang mga kalakal at talo na.

MUkhang walang silbi ang mga pulis na nakadetine sa Blumentrit detachment na kung saan sila dapat ang naka-kasipat at nakakaalam ng kalakaran at galawan ng mga tao sa nasabing lugar.

Ganito daw talaga ang situwasyon kapag malapit na ang halalan dahil sa maagang namumulitiko ang mga kandidato incumvent man o’ baguhan.



Nandyan na nag chika-chikahan, utuan at pasakayan ng magkabilang panig na kung saan humihingi ng pabor sa isa’t-isa. Malaking bilang din ng botante ang mga vendor kung kaya’t kailangan din nila ang mga ito.

Kung sa bagay ay minsan lang naman lalapit sa kanila ang mga politikong ito ngunit pag natapos na ang eleksiyon ay hindi na nila ito mahahanap at matatagpuan.

Kung kukumpara natin sa mga nakalipas na administrasyon partikular na sa liderato sa police detachment ay malayong-malayo ang nakaupo ngayon.

Dati’y maluwag sa trapiko ang nasabing kalye gayon din sa mga pedestrian na malayang naglalakad sa kalye at bangketa.

Kung dati ay pwede kang maglaro ng patintero at tumbang-preso, ngayon ay taguan-pong na lang ang pwede mong laruin dahil sa kapal ng mga tao at mga vendor sa kalye.

Hindi naman sinasabing walang mga vendor noon naka-lipas, meron din naman dangan nga lang ay disiplinado ang mga ito at merong limitasyon at hangganan.

Napanatili ng kapulisan ang kaayusan noong araw. Nandyan na nag ikot at rekisa ng kapulisan kada isang oras upang paalalahanan ang mga vendor na baka sila ay lumalagpas na sa lugar na tinakda sa kanila, may respeto at galangan .

Meron din namang mga pulis na nag-iikot ngayon nguni’t hindi natin malaman kung ano at bakit ito umi-ikot.

In fairness naman sa mga kaibigan nating mga pulis, sinasabi ng iba na talaga daw na binigyan ng pahintulot ang mga vendor na ito ng ilan mga pulitiko sa city hall at ilan mga kongresista pero may kondisyon daw ang mga ito.

Kumbaga ay wala ng masyadong power ang ating kapulisan dahil sa nadiktahan na ito ng kanilang mga superyor hinggil sa nais mangyari ng ilan mga pulitiko.

Robot ang labas at symbolic figure na lang ang silbi ng mga pulis dahil walang function at nadidiktahan lang.