Advertisers

Advertisers

Yes, yes, babalik na si Yorme Isko sa Manila City Hall

0 42

Advertisers

KAHAPON, October 8, ay isang very memorable day dahil sigurado na — walang duda na uupo uling alkalde ng Maynila si Yorme Isko Moreno Domagoso.

Oktubre 8 kasi, 1999, naging opisyal na mag-jowa si Yorme Isko at sinisinta nitong si Mam Dynee Ditan na noong una silang mag-meet, wala siyang kagusto-gusto kay Isko.

Sa kuwento ni Mrs. Domagoso, inasar niya si Isko at sinabihang baduy mag-English, pero sa akala niyang titigil sa panliligaw ang noon ay konsehal ng Maynila, lalong nagpursige si Isko.



Ibang karisma, may mahika sa ganda ni Mam Dynee na magnetong umakit kay Isko — na inaming maraming bebot na halos ialok ang sarili sa kanya, pero bakit sa isang may BF at may isang anak na lalaki, siya naakit, sabi ni Yorme.

Pagtatapat ni Dynee sa interview ni Boy Abunda para sa “The Interviews with the Wives and Children of the 2022 Presidential Candidates,” nagkakilala sila ni Isko sa isang gimmick area sa Makati noong 1999.

Feeling ni Ðynee, pinagtitripan siya ni Konsehal Isko, kasi ang mga kasama niyang girls, puro single, e siya nanay na.

Kahit sinabihan niyang baduy, walang dating na aktor si Isko, lalo itong nanindigang hindi umalis sa tabi niya, at “nakatingin siya sa akin the whole time. I could see it from my peripheral [view].”

Na-love at first sight si Isko kay Dynee na dineretsa siya na mag-aaksaya lamang ng panahon, kasi tiyak basted ang gagawing panliligaw sa kanya.



Tinapat ni Dynee si Yorme Isko: May isang anak na lalaki sa kanyang boyfriend, at imbes na umatras, lalo pang sumugod, lalo pang naging masigasig sa panliligaw si Isko.

Matapos na tablahin niya si Isko, sabi ni Dynee sa interview kay Boy Abunda, isang buong araw, hindi tumawag, walang text si Isko at naisip niya, ay salamat, natauhan din, sumuko na si Isko.

Pero surprise, bago mag-alas dose ng madaling araw na iyon, tumawag si Isko, tinanong kung nasaan si Dynee na sinabi, siya ay nasa sing-along at comedy bar na “The Library” sa Malate.

Laking gulat ni Dynee, dumating si Konsehal Isko na nakatiklop ang Barong Tagalog, galing sa City Council session, at agad — sa hiyawan ng mga tao roon –, naupo sa tabi ni Dynee.

“Umupo sa tabi ko, sabi niya with a very loud voice, ‘Alam mo, karma ba kita? Alam mo kasi, ang dami naman ibang babae diyan, e, bakit ikaw pa?”

Eto ang linyang parang sa isang pelikula na pinakawalan ni Konsehal sa future niyang Mrs. Domagoso na narinig ng lahat sa “The Library!”
“‘Alam mo, I hate you! I hate you! I hate you because I love you!’”

Kasabihan nga: Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin!

Sumigabo ang hiyawan ng mga nakarinig sa matinding biradang iyon ni Isko, at nabigla man, hinila ni édynee si Isko palabas ng bar at pînauwi, kasi nakakahiya raw ang eksenang iyon.

Sa ginawa ni Isko, naantig si Dynee at to make the story short, ” xxxalmost his birthday, October 24. So, sinagot ko siya October 8.”

Pabiro, sinabi ni Dynee na ang gift niya kay Isko ay: “‘Gusto mo magpakasal tayo?”

Sineryoso ni Isko ang birong sabi ni Dynee na magpakasal sila, at noon din, ipinaayos ni Isko ang lahat ng kailangan sa pagpapakasal nila.

At itinakda ang araw ng kasal nila –December 8 kasi pista ng Immaculate Conception, pero nang sumapit ang araw ng kasal, aywan kung sa takot o pagkabigla, hindi sinipot ni Dynee ang simpleng civil wedding na inihanda ni Isko sa isang hotel sa Malate.

Kasi, nalaman daw ng mommy ni Dynee ang biglaang pagpapakasal, at sinabi niya kay Isko, idaos na lang sa ibang araw ang kasal nila.

Kung pwede, next week, pero hindi sa araw na itinakda ni Isko, at ang naging sagot ni Yorme: “‘Pag gusto, maraming paraan. Pag ayaw, maraming dahilan.’ So, tumatak sa isip ko yun.”

Marami siyang idinahilan sa pag-ayaw na ikasal sila, at di nga natuloy ang kasal nila ni Isko na siya mismo, sabi ni Dynee ang nag-alok na pakasal sila, sa paraang pabiro, pero todo-seryosong tinupad ng nobyo.

Kinabukasan, nagkita sila ni Isko, mugtong-mugto ang mga mata at masinsinan silang nag-usap.

January 2000, natuloy rin ang naudlot na pagpapakasal nlla noong December 1999.

Biglaan ang naging kasalan: sa tapat ng Café Adriatico, merong Mil Nevecientos, at “that day, as in umuwi ako nang may singsing.”

Kaygandang love story ito, pampelikula talaga, kahapon ngang Oktubre 8, inihain ni Yorme Isko ang kanyang COC para sa muling pagbabalik sa Cityhall ng Maynila.

Magbibilang na lang tayo ng araw, sa Hunyo 30, 2025, kasama si Patrick at apat nilang supling, nakikinita ko, sa bulwagan ng Cityhall, manunumpa si Yorme Isko bilang bagong halal na alkalde ng kabiserang lungsod ng Pilipinas.

Yes, yes, yes, babalik na si Yorme Isko sa Manila City Hall.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.