Advertisers

Advertisers

Harvey Pagsanjan bida sa panalo ng EAC vs San Sebastian

0 6

Advertisers

PINAMUNUAN ni Harvey Pagsanjan ang opensiba ng Emilio Aguinaldo College upang gibain ang San Sebastian College – Recoletos,97-86 sa NCAA Season 100 Martes sa Mall of Asia Arena.

Ang Generals ay galing sa malaking pagkatalo sa JRU Biyernes, ay umangat sa 4-5 para lumikha ng three-way tie sa Perpetual at Lyceum.

Ang seasoned guard ay umiskor ng career-high 20 points on 7-for -9 shooting mula sa field katabi ang three reboun at two assists para sa Generals.



“We badly needed this win kasi ‘pag natalo kami, we’re gonna be at the bottom of the standings so it still gave us a fighting chance,” Wika ni EAC head coach Jerson Cabiltes.

King Gurtiza at Wilmar Oftana nagdagdag ng 14 at 10 points para sa EAC na nakakuha ng malaking momentum bago sumapit ang second round.

Tristan Felebrico pinamunuan ang Stags na may double-double na 21 points at 12 rebounds habang si Escobido nagrehistro ng 19 markers,three boards at three steaals.

Ang Iskor:

EAC 97 – Pagsanjan 20, Gurtiza 14, Bagay 13, Oftana 10, Ochavo 9, Quinal 8, Luciano 7, Jacob 6, Bacud 5, Loristo 3, Lucero 2, Doromal 0, Manacho 0, Devera 0,



San Sebastian 86 – Felebrico 21, Escobido 19, Aguilar 13, R. Gabat 10, Are 7, Barroga 4, Maliwat 3, L. Gabat 3, Ramilo 3, Cruz 2, Linton 1.