Advertisers

Advertisers

Bird at Biik!

0 16

Advertisers

32 na taon nang retirado si Larry Bird nguni’t madalas pa rin nababanggit ang pangalan ng Boston legend.

Paano naman sa 13 na season niya sa NBA ay may tatlo siyang singsing, 3 MVP, 2 Finals MVP, 12 All Star game, Rookie of the Year at 3 point king ng 3 beses.

Sobrang daming mga bilib sa Celtic forward kabilang na mga kapwa niya cager.



Eka nga ng kaniyang mahigpit na karibal na si Magic Johnson – “ Si Larry lang ang player na kinakatakutan ko.”

Para kay Michael Jordan naman ay si Bird inuuna niya kapag tinatanong siya ng all time first five ng liga.

Ire naman winika ni Kareem Abdul Jabbar – “Para sa isang chubby white guy ay sobrang galing niya, pinapagod kami, super great.”

Top 3 din siya ni LeBron Jame bukod kina Jordan at Julius Erving.

Matapos ang kanyang paglalaro ay naging coach at team executive ang 67 años na tubong Indiana.



***

Batid nyo bang may biik na alaga si Rosanna Roces? Oo batang baboy ang pet ng sek1sing artista. At alam nyo ba ang ipinangalan niya sa hayop? LeBron ang tawag niya rito Parang tuta rin daw ito. Malambing at masunurin si LeBron.

Sunasalubong daw ito kapag dumarating siya galing shooting. Nakikipaglaro rin daw.

***

Bagay na bahay mapabilang sa University of the East Red Warriors si Nico Mulingtapang. Dapat kapag warrior ay kailangan matapang talaga.

Si Christopher Lingolingo naman ng koponan sa Recto Ave sa Maynila ay pinalad nang husto noong Linggo dahil siya ang bumuslo ng winning shot kontra sa Adamson Falcons.

Ayon kay EJ Obiena ay hindi siya magsasalita hinggil sa private life ng kaibigang si Carlos Yulo.

Ang pole vaulter ay ayaw din pinakikialaman kanyang pribadong buhay.

Malunkot din siya sa mga kumakalat na fake news tungkol sa ating double gold nedalus sa Paris Olympics.