Advertisers
Ni Rommel Gonzales
MAAYOS ang pag-alis ni Carlo San Juan sa Sparkle na management arm ng GMA.
Dalawang taon namalagi bilang Sparkle artist si Carlo.
“Ah, natapos po yung contract.
“Hindi na po na-renew,” saad ng binata.
“Nito lang pong April, of this year, 2024,” pahabol pa niya.
Wala raw problema kung hindi man na-renew ang kanyang kontrata.
“Okay lang naman po kasi kahit naman po anong mangyari sa buhay natin, kung ano pong dumating o mawala, it’s still a blessing.
“Kasi alam ko po na hindi po ako pababayaan ni Lord at may darating na bago na makikita. Siguro kung ano yung meron pa sa akin.”
Si Carlo ngayon ay nasa pangangalaga na ng KreativDen Entertainment ni Kate Valenzuela.
“Ayun, kaya thankful din ako sa KreativDen, kasi kinuha nila ako.”
Pasasalamat at hindi sama ng loob ang nadama niya sa dati niyang management.
“Hindi po, hindi po sumama loob ko. In fact, sobrang thankful po ako sa kanila kasi sobrang ganda po ng experience ko sa kanila.
“So thankful po ako sa kanila [Sparkle at GMA], sobra.”
Nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga! noong 2019 si Carlo at na-feature pa sa Magpakailanman ang kanyang buhay.
Pinamagatang ‘Ang Driver Na Mr. Pogi: The Carlo San Juan Story’, si Carlo mismo ang nagbida dito at ipinalabas noong Setyembre 17, 2022.
Taga-San Pedro sa Laguna si Carlo at ilan sa mga naging proyekto niya bilang Kapuso ay ang‘ Daddy’s Gurl’ nina Vic Sotto at Maine Mendoza, at ang teleserye na ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters.’
Pinag-usapan din noon si Carlo dahil matapos manalo sa Mr. Pogi ay bumalik sa pamamasada ng tricycle sa panahon ng pandemic dahil nahinto ang mga taping sa GMA.
Tricycle driver at estudyante si Carlo bago pumasok sa showbiz.
Kasali si Carlo sa pelikulang Lola Magdalena na pinagbibidahan nina Gloria Diaz, Sunshine Cruz, Perla Bautista, Pia Moran at Liza Lorena.
Samantala, kaibigan pala ni Carlo si Sandro Muhlach na nasasangkot ngayon sa isang malaking usapin.
Naging magkaibigan sila dahil sa Sparkle.
“Yes po.”
Noong nalaman niya ang nangyari, ano naging reaksyon niya?
“Siyempre nalungkot po ako kasi kaibigan ko yun e, parang ayun po yung nangyari sa kanya. Ayun po, sana malagpasan niya po ito na may ngiti pa rin kahit pa papaano, and sana po hindi siya pabayaan ni Lord all throughout sa mga nangyari po sa kanya.
“And alam ko naman po sobrang nandun lang yung family niya para naka-support sa kanya. So ayun po.”
Tinanong naman namin si Carlo kung ano ang naging reaksyon niya nang napanood na niya finally ang Lola Magdalena.
Aniya, “Sobrang saya ko po kasi, first time ko pong makita yung sarili ko on the big screen.”
Unang pelikula ito ni Carlo.
“So, sobrang saya po. Wala po akong masabi kundi sobrang happy ko po ngayon.”
Ano ang feeling na mga legends at mga icons ang kasama niya sa pelikula?
Kuwento ni Carlo, “Siyempre nakakakaba kasi yun nga, mga beterana, kailangan maayos yung pakikitungo sa kanila, ayun, and ayun naman po yung nangyari.
“Pag binabati po nila ako, sobrang very nurturing. Ayun po.”
Young lover ng karakter ni Pia ang papel ni Carlo sa Lola Magdalena na ang direktor ay si Joel Lamangan