Advertisers

Advertisers

Charlie ‘di natiis ang ‘sister’ na si Alexa

0 13

Advertisers

Ni Archie Liao

MALALIM na ang pundasyon ng pagkakaibigan nina Charlie Dizon at Alexa Ilacad.

Katunayan, nakababatang kapatid na ang turing niya sa love team partner ni KD Estrada.



Nagkasama na kasi sila sa family comedy drama na “Four Sisters Before The Wedding” noong 2020.

Nasundan pa ito last year ng matagumpay nilang seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” kasama sina Loisa Andalio at Elisse Joson kaya lalong tumatag ang kanilang samahan.

Sa nabuo nilang samahan, mas lumawig pa ito nang magtatag sila ng GC kung saan ina-update nila ang isa’t isa sa kanilang mga ganap kahit natapos na ang kanilang TV series.

Kaya naman dahil sobrang espesyal sa kanya si Alexa, hindi kinaligtaan ni Charlie na mag-attend sa premiere night ng pelikulang “Mujigae” na pinagbibidahan ng kaibigan.

“Nandito ako para suportahan siya. I’m proud of her,” bungad niya. “Matitiis ko ba naman ang sister ko! Curious din ako sa bagong movie niya,” dugtong niya.



Ayon pa kay Charlie, na-excite raw siya nang ibahagi ni Alexa na may movie siya kasama ang Korean oppa na si Ji-Soo.

“Actually, sinend niya sa akin iyong pictures nila. Nakita ko iyong mga kasama niya. Sinend niya sa akin iyong pictures with Ate Pichi, pati iyong kay Ji-Soo. Sabi ko, wow, it’s exciting,” bulalas niya.

Nang makumusta naman ang aktres tungkol sa kanyang married life, wala raw pagsidlan ang puso niya sa kaligayahan.

“Sobrang saya,” pakli niya.

Sa ngayon daw ay busy sila ng mister sa kanilang mga showbiz career.

Si Carlo ay nasa Bacolod at may ginagawang serye kasama si Anne Curtis.

Siya naman ay may nakatakdang gawing series na hindi pa niya puwedeng i-divulge ang kumpletong detalye.

“It’s gonna be produced by ABS and a digital company as partner. It’s a crime mystery thriller. But, hanggang doon lang muna ang puwede kong i-share,” pagbibida niya.

Dahil sa pagiging abala, baka next year na raw nila maisingit ang pagbabakasyon.

Gayunpaman, nakakapagbiyahe raw naman sila ng kabiyak kahit hindi todo.

“We go out of town once and a while pero sa ngayon, pokus muna kami sa trabaho namin. Siguro by next year doon kami magbabakasyon,” sey niya.

Speaking of Mujigae, palabas na ang nasabing feel good movie of the year sa lahat ng SM Cinemas sa buong bansa.

Mula sa UXS Productions, (“Crying Ladies,” “Santa Santita,” “Ang Babae sa Septic Tank”) tampok din sa pelikula sina Rufa Mae Quinto, Richard Quan, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Roli Inocencio, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.
Ipinakilala naman ang bagong child wonder na si Ryrie Sophia.