“Gulity Pleasure” Ni Lovi Poe Sexiest Movie Of The Year, R-16 Ng MTRCB At Without Cuts; Jules Graeser Happy And Proud Na Makasama Si Vice Ganda Sa Concert
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
VERY Bold, Daring, and Hot talaga ang movie ni Lovi Poe with her 2 leading men Jm De Guzman and Jameson Blake na “GUILTY PLEASURE.”
Yes, maging ang pinagdausan ng mediacon nito ay inakma sa pelikula na pulang-pula ang buong paligid ng 38 Valencia Events Place ng mga Monteverde. Tinawag itong The Hottest Media Conference. Bago tawagin sa stage ang cast ng host ng event na si MJ Felipe, nasa bed ang buong cast led by Lovi na pinagkaguluhan ng mga invited photographers, vloggers, and showbiz press na kasama ang inyong columnist. At sa tanong kung gaano ba ka-daring ang movie na Rated R-16 ng MTRCB na without cuts ay narito ang naging sagot ni Connie Macatuno na director ng Guilty Pleasure.
“Marami talagang sensual moments, kasi pelikula ng babae, e ‘Pag babae asahan mo na ‘yon kurba, malambot, mabango. Senswal siya.
“However, iba-iba naman ang views ng kasama mo sa kuwarto, kung ano ang senswal at hindi. Doon magkakatalo, kumbaga. Pero bawat isa sa kanila na nandito, except kay Sarah (Edwards), merong senswal moments.
“Para hindi ma-spoil, gusto ko ma-experience niyo kung ano ‘yung sinasabi ko,” chika pa ni Direk Connie na agree kami. At dagdag pa nito ay wala raw siyang naging problema kina Lovi Poe, JM at iba pang cast dahil kabisado raw ng lahat ang script at mga gagawin lalo na sa mga daring scenes. Si Lovi ay game raw sa mga eksena pero kapag nakikitaan na ng kanyang kayamanan ay pinaaabutan na niya ng towel.
Tawang-tawa naman si Lovi sa tinuran ni Direk Connie. Nabudol raw niya ang husband (Monty Blencowe) niya at nagawa niya ang mga scene sa Guilty Pleasure na hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng kanyang asawa.
But it’s all worth it daw at lahat naman ng ginawa niya ay nasa script at maganda ang kinalabasan ng kanilang movie na co-producer siya ng Regal under her C’EST Love Productions. Nang matanong naman si Lovi kung sino kina JM at Jameson ang mas magaling humalik sa movie at kung kanino siya mas nasarapan? “Iba kasi ang atake ng bawat isa. Basically isu-showcase ang personality, or the difference, sa character ni JM versus sa character ni Jameson.
“It’s a different experience. I can’t really compare, kasi magkaibang-magkaiba sila. Pero pareho talaga sila,” sagot pa ni Lovi. At tungkol sa sino ang mas good kisser? Hindi raw siya kiss and tell natatawa pang tugon ng Supreme Actress sa press kaya’t hindi niya ito sinagot. Si Jameson nagkuwento about their first shooting day na kissing at bed scenes agad. Sabi raw niya sandali kay Direk (Connie) punta lang akong CR at hayun pagbalik niya ay ready na siya at naka-plaster na ang harapan.
Aminado ang ma-appeal na tisoy na actor na sanay na siyang gumawa ng ganitong mga eksena at pang 3rd time na niya itong sa Guilty Pleasure. May inside joke naman sina Lovi, JM at Direk Connie sa kung na-violate ba sila sa mga scene nila? Pero biruan lang daw talaga yun.
By the way, lawyer ang character ni Lovi sa movie at siya ay si Atty. Alexis Miranda. Mahusay si Lovi rito at posibleng ma-nominate siya bilang Best Actress. Mula naman kay Ma’am Beautiful Roselle, masaya siya sa positive reactions ng MTRCB nang ireview ng mga ito ang Gulity Pleasure at hindi lang daw basta sex ang tema ng kanilang film, maganda raw ang kabuuan nito at masusurpresa raw ang manonood. At agree rito si Sir Keith Monteverde na katabi ng kanyang Mom Roselle. Nakatutuwa at very ma-PR ito sa lahat. Si Sir Keith ang Executive Vice President (EVP) ng Regal Entertainment na proud sa tatlong malalaking pelikula nila ngayong 2024 sa pinangungunahan nga ng Guilty Pleasure. Ka-join din sa cast sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards. Showing na sa October 16 in Cinemas Nationwide ang Guilty Pleasure at may Red Carpet Premiere ito sa Oct 15.
***
HAPPY at enjoy ang Pinoy International Recording Artist na si Jules Graeser sa kanyang guesting sa USA Tour 2024 ni Vice Ganda kasama sina Kyle Echarri, MC at Lassy. Ginanap ang “YOUR MEMEJESTY QUEEN VG” sa Saban Theatre sa Beverly Hills, California, USA na dinumog ng ating mga kababayan na nasabik kay Meme Vice. Inalam namin sa aming kaibigang si Monet Lu, na nakapanood sa said concert sa naging performance ni Jules. Dalawa raw ang kinanta ni Jules at well applauded siya. Well totoo yan, crowd-drawer si Jules na kahit sa anong event ay pinapalakpakan talaga. At siyempre big honor for Jules ang maging parte ng US concert ni Vice.
As of now ay marami pang mga naka-line up na projects ang nasabing artist na kumanta ng “MAARI BANG IBIGIN KA” at “KATUPARAN” na parehong nasa Karaoke na. Kabilang na rito ang “KARAOKE NIGHT” ngayong Oct 22, 2024 sa The NOYPITZ BAR & GRILL sa 12809 Foothhill Boulevard, Rancho Cucamonga, CA 91739. Magpe-perform dito si Jules at kakanta siya ng ilang songs na original niya at iba pang hits. For reservation please call/text or viber (909)4797941 or (914) 6400873 and (909) 317 2225 for calls only.