Advertisers

Advertisers

Maliliit na negosyo sa barangay suportado ni Dir. Bong Marzan

0 19

Advertisers

NANINIWALA si Asenso Manileño candidate for councilor sa Distrito IV, Liga ng Barangay Director at Chairman Bong Marzan na ang sama-samang pagtutulungan ng bawat isang miyembro ng pamayanan ay magreresulta sa mas magandang bukas.

Dahil dito ay hinihikayat niya ang mga maliliit na negosyante na ipagpatuloy ang kanilang mga munting negosyo sa bawat barangay sa buong Distrito IV ng Maynila na ituloy-tuloy lamang ito at makakaasa sila ng 100 porsyentong suporta mula kay Marzan.

Kabilang sa itinataguyod ni Marzan ay ang programang Mobile Palengke kung saan mismong mga tinda sa inyong paboritong pamilihan ang siyang kakatok sa inyong tarangkahan upang hatiran kayo ng mga sariwang gulay karne at isda sa presyong katulad din ng nasa palengke at kung minsan ay mas mababa pa.



Ang mas maganda pa rito, ayon kay Marzan ay makakatiyak kayo na tama ang timbang na inyong bibilhin lalo na ng mga karneng baboy, manok at baka.

Malaki ang matitipid ng pagtangkilik sa Mobile Palengke dahil di na kailangan pang mamasahe pagpunta sa palengke, bukod pa sa mas mura ang mga paninda dito.

Samantala, pinaunlakan ni Marzan ang paanyaya ng ilang mga Punong Barangay sa mga pagtitipon dito. Kabilang na dito ang Fiesta Zumba nina Chairman Bonifacio at Chairman Diokno na kung saan nakipagsabayan sa pagsu-Zumba si Marzan.

Nariyan din ang pagdalo niya sa United Nations’ Day Celebration ng Brgy 479 ni Chairman Edgar Reminales kung saan pinamunuan niya ang panonood at pagpili sa tatangghaling Little Miss United Nation mula sa mga munting kalahok at kumatawan sa ilang piling bansang miyembro ng UN.

At bilang pinakatampok sa mga aktibidad ni Marzan para sa linggong ito maliban pa sa pag-iikot , pagdamay at pagbibigay ng tulong sa mga namatayan na sakop ng Distrito IV ay ang pag-aasiste niya sa libo-libong head of the families na tumanggap ng ayudang pinansyal mula sa Ayuda para sa mga Kapos ang Kita Program (AKAP) nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr at House Speaker Martin Romualdez.



Mismo sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kasama ni Marzan sa pamamahagi ng ayudang pinansyal na ginanap sa Nazareth Covered Court kung saan ang bawat isang benipisyaryo ay tumanggap ng P3,000. (ANDI GARCIA)