Advertisers
GANAP ng batas ang Self- Reliant Defense Posture Revitalization Act, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ito bumiyahe patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit.
Ang nasabing batas ay magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa at maisulong ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines
Ayon kay Oriental Mindoro 1st district Rep. Arnan C. Panaligan isa sa mga principal author ng Republic Act No. 120124, Self Reliant Defense Posture Revitalization Act, magiging matibay na ang inaangkla nating diskarte sa pagtatanggol sa lakas ng ating sariling mga mapagkukunan at kakayahan.
Sinabi ni Panaligan, ipinag-uutos ng ating Saligang Batas na ang Estado ay “maglingkod at magprotekta” sa mga mamamayan at soberanya nito na isang tungkuling hindi lamang reaktibo kundi bilang paghahanda rin sa anumang hamon na darating.
Ipinunto ng Kongresista na sa loob ng ilang dekada, ang ating kakayahan sa pagtatanggol ay nakasalalay sa kung ano ang maaari nating makuha mula sa ibang bansa. Malaking bagay ito para sa ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon naman kay Pangulong Marcos, ang SRDP Program, na ipinatupad sa ilalim ng kaniyang ama ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nagtakda ng entablado para sa isang mas self reliant defense strategy, na humihikayat sa atin na mag tap sa ating sariling mga mapagkukunan at kakayahan.
Sa nasabing batas may preference na para pumili ng mga filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles, at iba pang military equipment.
Mababawasan na rin ang pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers, at makatutulong din ito sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
Present sa signing ceremony sa Palasyo ng Malacañang sina Speaker Martin Romualdez, Senate President Chiz Escudero, Defense Sec. Gilberto Teodoro at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.
Bukod sa Self Reliant Defense Posture Revitalization Act, ay ganap na ring batas ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act o Republic Act No. 120022 na isa sa mga principal author nito ay si Cong Panaligan matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na ito na nagpapataw ng kaparusahan life imprisonment o habambuhay na pagkabilango sa mga nagkasala ng smuggling, hoarding, profiteering at cartel operations ng mga agricultural products na dahilan ng labis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at kakulangan sa supply nito na nagpapahirap sa mga tao.
Samantala nitong setyembre 23 naman nilagdaan na rin ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12021, o ang Magna Carta for Filipino Seafarers Act na isa din sa mga may akda ng nasabing batas ay si Cong Panaligan. Makikinabang sa naturang batas na ito ang libu-libong mga Pilipinong seafarers na nagtatrabaho bilang mga seaman at ang batas na ito ay para sa kanilang kapakanan.
Congrast Cong Panaligan Sir, Mabuhay kayo!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.