Advertisers
Ni Rommel Placente
WALA nang masyadong naririnig tungkol kay Enrique Gil matapos ang kanyang comeback movie na I Am Not A Big Bird last February. Unfortunately, hindi rin naging masyadong maganda ang resulta nito sa box office. Marami rin ang nanghinayang nang tanggihan ng aktor ang teleseryeng Incognito na pagsasamahan sana nila nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. Malaking serye sana ito at magandang proyekto sa telebisyon sa kanyang pagbabalik.
Kaya naman may pinanggagalingan ang tsika ni Ogie Diaz na medyo devastated si Enrique. Malungkot daw ito sa sinapit ng kanyang comeback movie. Pagbabalik showbiz pa naman niya ito matapos ang halos apat na taon ding pamamahinga. Hindi rin inasahan ang pagkabuwag ng LizQuen loveteam nila ni Liza Soberano.
Sa pagbabalik pelikula na wala si Liza ay mapapatunayan sana niyang kaya niyang magsolo project pero hindi nga ito kumita.
Andyan pa rin naman ang mga faney para suportahan ang aktor. Hangad nila na isang araw ay mapanood muli nila si Enrique sa isang proyektong tatangkilikin ng tao gaya ng dati.
***
BACK to school si Awra Briguela matapos manahinik nang matagal dahil sa gulong kinasangkutan sa isang bar.
Marami naman ang natuwa at least daw ay nag-focus siya sa kaniyang studies. Pero umalma naman ang mga netizen nang mag-post siya ng pambabaeng uniform.
Tanggap ng netizens ang gender niya pero komento ng ilan ay hindi naman siya ganap na babae pero bakit naka girl uniform.
Noon pa ay alam na namin, na bukod sa pag-aartista ay pangarap din ni Arron na maging isang politician, pero hindi pa rin niya iiwan ang showbiz.
Wish at ipagdarasal namin na manalo si Arron.