Advertisers

Advertisers

HINDI PA TAPOS ANG LABAN!

0 2,243

Advertisers

Sen. Grace Poe, Brian Poe, FPJ Panday Bayanihan 1st Nominee and Mark Patron, FPJ Panday Bayanihan 2nd Nominee.

Ito ang litanya ni BRIAN POE LLAMANZARES ang FIRST NOMINEE ng FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST para sa pagpapatuloy ng social service advocacy ng kaniyang yumaong lolo na si FERNANDO POE JR. na kilala bilang “HARI NG PELIKULANG PILIPINO” matapos magsumite kamakailan ng certificate of candidacy ang kanilang sectoral political party sa Commission on Election (Comelec) sa Intramuros, Manila.



Noong kumandidato si DA KING para sa pagka-presidente ng ating bansa noong 2014 election ay nasasambit nito noon ang mga litanyang “Ang serbisyo ko sa inyo ay walang katapusan.”

“Ang adhikain ng aking lolo na walang humpay na paglingkuran ang marginalized sector na siyang kasalukuyang taglay  ng FPJ Panday Bayanihan partylist gayundin ang adbokasiyang taglay ng aking ina na si Senator Grace Poe,” pagpapahayag naman ni BRIAN POE.

Layon ng FPJ PANDAY PARTYLIST na ganap na pagsilbihan ang mayorya ng mga mamamayan sa hanay ng mga tsuper, kabataan, kababaihan, magsasaka, manggagawa at impormal na manggagawa na  patuloy nilang kinakaharap ang  kakulangan sa serbisyong panlipunan at kapakanang pangkaunlaran.

Sinuportahan at sinamahan ni SEN. POE ang kanyang anak na si BRIAN sa tanggapan ng Comelec sa pagsusumite ng COC kasama sina MARK PATTON (2nd nominee) at HIYAS DOLOR (3rd nominee) ng FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST.

Dumagsa rin ang suporta sa naturang partylist sa Comelec nang pangunahan ni KRISSY ABESAMIS (lider kabataan  ng FPJ PANDAY BAYANIHAN- Manila Chapter) ang mobilisasyon ng kabataan.



Nagsidating din ang dating miyembro ng FILIPINOS FOR PEACE; JUSTICE AND PROSPERITY MOVEMENT (FPJPM) at iba pang tagasuporta ni FPJ noong 2004 PRESIDENTIAL BID.

Sinamahan sila ng mag-inang Poe-Llamanzares nang magtungo sila sa momumento ni FPJ sa Roxas Bouevard, Manila bilang opisyal na pagsikad sa parliyamentong pakikibaka ng naturang partylist.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com  para sa inyo pong mga panig.