Advertisers
MISTULANG balewala sa lokal na kapulisan ng Santa Rosa City, Laguna ang babala ng kanilang Philippine National Police (PNP) Chief, Police Director General Rommel Francisco Marbil.
Matatandaang sinabi ni Marbil wala siyang sisinuhin sa mga police commander at chief of police na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam niyang kapado ng mga pulis ang lahat ng sugalan sa kanilang mga lugar.
Sa kabila ng mahigpit na kautusang ito ng PNP Chief ay nananatiling untouchable ang presensiya ng iligal na sugal tulad ng ‘color games at drop ball’ sa hurisdiksyon ni PLtCol Benson Pimentel na minamantini ng mga bigtime na gambling operator sina alyas Judith at Baby P.
Patuloy na namamayagpag gabi-gabi ang gambling operation tila mini casino na sugalan ang hindi bababa sa 20 lamesa ng color games at drop ball na matatagpuan sa bakuran ng Trum Plaza, Target Mall at Victory Mall ng Santa Rosa City, Laguna.
Batay sa sumbong na ipinarating sa BALYADOR ng ilang concerned citizen nasa higit limang taon na ang sugalang ito sa mga nabanggit na lugar at diumanoy malalim na koneksyon sa mga matataas na opisyal ng Santa Rosa City Police Station at Laguna Police Provincial Office ang mga bigtime na gambling operator kung kaya’t nananatiling untouchable ang iligal na sugal na mahigpit na ipinagbabawal ng batas alinsunod sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng RA 9287.
Sinabi ng source na kasosyong laway lamang ng mga bigtime na gambling ang dating chief of police PLtCol Dwight Fonte na kumukunsinti noon sa sugal kung saan umabot ito ng ilang taon maging ang bagong hepe PLtCol Benson Pimentel kaya nagiging bulag ang mga pulis sa siyudad dahil sa proteksyon na ibinibigay sa mga iligalista.
Sinabi din ng source na hindi lamang mga gambling operator itong si Baby P. at Judith kundi sila rin ay kolektor o bagman na nagdadala ng “payola’’ sa tanggapan ni Laguna Provincial Director PCol Gauvin Mel Y.Unos ?
Sa totoo lang kung seryohin lang ni Marbil ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” sa loob ng naturang organisasyon posibleng sasabit dito sina PLtCol Pimentel at Col Unos?
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.