Advertisers

Advertisers

BONG GO: DRUG LORDS, LUMAKAS SA DRUG WAR PROBE

0 43

Advertisers

“Huwag nating sayangin ang magandang nasimulan ni dating Pangulong Duterte laban sa iligal na droga!”

Ito pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go na nagsabi pang nakaalarma ang paglakas uli ng loob ng mga drug lord at iba pang elementong kriminal dahil ang mga imbestigasyon sa giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay-daan para sa kanila na baluktutin ang katotohanan at pahinain ang anti-drugs campaign na nagpabuti sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa isang ambush interview, binigyang-diin ni Go ang mga panganib ng muling pagsigla ng kalakalan ng iligal na droga at hinimok ang publiko na pag-isipan ang kaligtasan at seguridad na kanilang naranasan sa panahon ng pagkapangulo ni Duterte.



“Lumalakas ang loob ng mga drug lord. Kung bumalik ang iligal na droga, babalik po ang korapsyon sa gobyerno, babalik po ang kriminalidad,” ani Go.

Hinimok niya ang sambayanang Pilipino na sila ang humusga kung bumuti ang kanilang buhay sa panunungkulan ni Duterte, lalo pagdating sa kaayusan ng publiko.

“Kayo na po ang humusga, mga kababayan, kung mas nakalalakad ba ang mga anak natin na hindi nasasaktan, hindi nababastos ng mga drug addict noong panahon ni dating Pangulong Duterte. Alam n’yo, ‘pag bumalik sa iligal na droga, mas nakatatakot,” babala ni Go.

Anang senador, ang pagbabalik ng iligal na droga ay makasasama sa kaligtasan ng publiko, partikular sa pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFWs).

Binigyang-diin din ni Go ang katotohanan na ang pamumuno ni Duterte sa kampanya laban sa droga ay hindi lamang nagdulot ng tangible benefits, bagkus ay nakuha rin ang tiwala at pagsang-ayon ng publiko sa kabuuan ng kanyang termino.



“Ginawa n’ya po ito para sa taumbayan. At nagkaroon po siya ng mataas na approval rating noong nagsimula ang kanyang administrasyon hanggang natapos,” sabi ni Go.

Ang approval rating ni Duterte ay pumalo sa 87 porsiyento dahil sa kanyang strong stance o strong position laban sa illegal drugs.

“Kung maaalala n’yo, lahat ng SONA, 2016 up to 2021, anim na SONA. Tuwing binabanggit ni dating Pangulong Duterte ang war on drugs, nagpapalakpakan po ang lahat. Standing ovation po ang Kongreso at ang Senado dahil ramdam nila na may pagbabago at tinupad ni dating Pangulong Duterte ang kanyang pinangako noon. Standing ovation,” paggunita ni Go.

Sa kabila nito, hindi naitago ni Go ang kanyang pagkadismaya kung paano tinalikuran ng ilang mga dating kabalikat si Duterte.

“Bakit ngayon sinisisi siya? Bakit ngayon mag-isa na lang siya? Hindi ba kayo nakinabang? Hindi ba nakinabang ang mga kababayan nating Pilipino? ‘Yung mga anak natin na hindi nasasaktan. ‘Di ba importante sa atin ang buhay ng ating mga anak, ng ating mga pamilya? Nakinabang kayo ah. Nakinabang po ang Pilipino. Itinaya niya po ang kanyang buhay dito. Tapos ngayon, mag-isa na lang siya, puro sisi pa ang inabot,” ang dismayadong pahayag ng senador.

Nauna nang itinanggi ni Go na nagpatupad si Duterte ng tinatawag na “reward system” sa giyera kontra droga. Tinawag niya ang alegasyon na walang basehan.

Ipinaliwanag niya na ang suporta ni Duterte sa pagpapatupad ng batas ay nakatuon sa pagtulong sa mga pulis at iba pang unipormadong tauhan na gampanan ang kanilang mga tungkulin nang mas epektibo sa loob ng hanggahan ng batas.

“Wala pong reward system. Full support po si dating Pangulong Duterte sa police, sa uniformed personnel. In fact, noong 2018, pinadoble niya po ang sahod ng police, military, at uniformed personnel.”

Naalala rin ng senador kung paano personal na pinaabot ni Duterte ang suporta sa mga sundalo at opisyal ng pulisya, partikular sa mga nasugatan sa operasyon, sa pamamagitan ng pagbisita sa kanila sa mga kampo ng militar at pagbibigay ng suportang pinansyal at moral.

Siniguro ni Go na susuportahan niya ang mga pagsisikap na matuklasan ang katotohanan sa likod ng giyera sa droga at ang mga paratang na ginagawa sa administrasyong Duterte.

Kung kinakailangan aniya ay maghahain siya resolution para magkaroon ng hiwalay na pagsisiyasat sa Senado nang lumabas kung ano ang katotohanan.