Advertisers

Advertisers

Karpintero pinalakol-patay sa ulo ng utol

0 7

Advertisers

Nasawi ang isang lalaki nang sibakin sa ulo ng kapatid gamit ang palakol sa Barangay Villapaz, Naguilian, Isabela.

Sa report ng Naguilian Police, kinilala ang nasawing biktima na si Jimmy Lobendino, 36, karpintero at residente sa nasabing lugar.

Ang salarin naman na itinago sa pangalang Dario, 42, nakatatandang kapatid ng biktima.



Sa ulat, nag-inuman ang magkapatid kasama ang kanilang bayaw nang magkaroon ng mainit na pagtatalo.

Dito na dumampot ng palakol ang salarin at hinataw sa ulo ang kanyang kapatid.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Nasa pangangalaga na ng pulisya ang salarin nang arestuhin ng mga rumespondeng kasapi ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">