Advertisers

Advertisers

P8.3m ecstasy hinalo sa kape

0 11

Advertisers

Natagpuan ang mga ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P8.314 milyon sa mga kahon ng coffee beans na ipinadala sa Port of Clark sa Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau of Customs (BOC) nitong Lunes.

Sinabi ng BOC na ang 4,891 na tablet ng ecstasy o party drugs hinaluan ng coffee beans.

Ayon sa BOC, nahuli ang kargamento na may mga iligal na gamit sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).



Naglabas naman na ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act kaugnay ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.