UST wagi vs UE, winalis ang Shakeys Super League Pool B

Advertisers
KINASTIGO ng University of Santo Tomas ang University of the East,23-25, 23-25, 25-14, 25-17, 15-9, upang walisin ang four-match Pool B ng 2024 Shakey’s Suer League (SSL) Collegiate pre-season Championship sa Rizal Memorial Colesium sa Manila.
Winger Angeline Poyos umiskor ng game-high 28 points,kabilag ang 8 sa fifth set, para sa Tigresses na tinuldukan ang three-game winning streak ng Lady Warriors.
“We stuck to the system and listened to the instructions of our coaches,” Wika ni Poyos matapos ang dalawang oras at 27 minutong aksyon.
Regina Grace Jurado umiskor ng 14 attacks at one ace habang si Jonna Chris Perdido nagdagdag ng 14 points on 10 attacks,three blocks at one ace.
Makakaharap ng UST ang Far Eastern University at second ranked teams sa Pool A at C sa ibang round-robin play.
Samantala ang UE (3-1), makakatagpo ang De la Sallle University, ang No.1 seed sa Pool A at No.2 seed sa Pool D sa susunod na round.
Samantala,Winalis ng National University ang San Beda University,25-19, 25-7, 25-17, para sa kanilang pangatlong wagi sa Pool A.
Myrtle Escanlar umiskor ng 13 points on 11 attacks,one block at ace habang si Alyssa Solomon nag-ambag ng 12 points.
San Beda na nalasap ang kanilang ikatlong kabiguan sa apat na laban,ay pinamunuan ni Angel Habacon sa iniskor na 11 points on nine kills at two aces.
Ang laro ay babalik sa Miyerkules kung saan maghaharap ang Lyceum of the Philippines Univeristy(1-2) at Perpetual Help System Dalta (0-2) 1 p.m. sa Pool B,Ateneo de Manila University (2-1) makakatous ang Emilio Aguinaldo College (0-3) 3:30 p.m saa Pool B, at Adamson University (1-1) sasagupain ang College of Saint Benilde(0-1) 6 p.m. sa Pool B