Advertisers
Arestado ang isang Indian national sa serious illegal detention at kidnapping for ransom sa kaniyang kababayan sa Las Piñas City.
Sinabi ni Col. Sandro Tafalla, hepe ng Las Piñas City police, na naaresto ang suspek sa loob ng food court na matatagpuan sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Pamplona 3, Las Piñas City.
Naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation ng mga awtoridad.
Kinabibilangan ito ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) kasama ang Station Intelligence Section (SIS) at Station Investigation and Detective Management Section.