Advertisers

Advertisers

Pekeng NBI clearance nagkalat sa Quiapo

0 12

Advertisers

Nabuking ang pagkalat ng mga pekeng NBI clearance at iba pang pampublikong dokumento matapos maaresto ang apat na indibidwal sa raid na isinagawa sa Maynila.

Naaresto umano ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang apat katao na kinabibilangan ng isang menor de edad dahil sa pamemeke ng mga public documents.

Mismong si NBI Director Jaime Santiago ang nagpakita ng isang pekeng NBI clearance kung saan pineke ang kanyang pirma.



Ayon kay Santiago nakatanggap sila ng impormasyon na ilang indibidwal ang namemeke ng dokumento tulad ng NBI Clearance, titulo ng lupa, passport, at iba pang dokumento sa Santa Cruz, Manila.

Nagkakahalaga ito ng P700 hanggang P2,500. Pinakamahal umano ang titulo ng lupa.

Matapos makumpirma ang ilegal na aktibidad sa pamamagitan ng surveillance at test buy operations, isang entrapment operation ang ikinasa sa pakikipagkoordinasyon ng pulisya at STF operatives natunton at sinalakay ang mga suspek nitong October 14, 2024.

Kabilang sa mga naaresto sina Paul Christian Abellera y Cala, Edgardo Carpio y Cruz, Jenny Bade Trajano y Cepeda, at isang menor de edad. Nakumpiska sa mga ito ang computers, office tools, at mga pekeng dokumento tulad ng NBI Clearance, PSA Certificate, land titles, at LTO Certificates.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">