Advertisers
NAGING matagumpay at nagkaisa ang mga miyembro ng Past President Council ( PPC ) Rotary International -D3810, Business Network International ( BNI ) at Korean Chamber of Commerce Philippines, Inc ( KCCPI ) na lalong palalakasin ang kanilang mga negosyo sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni President Ji Hyuk Jang ( Jay ) ng JJC Global Business Group, kasabay ng isinagawang Business Match Making event ng mga Pilipino at Korean businessmen na ginanap noong Biyernes, October 18 sa SMX MOA Complex sa lungsod ng Pasay.
Ang naturang event ay inorganisa ni President Jang para magkaisa ang mga negosyante na magbigay ng ibat-ibang mga kaalaman, mungkahi at ipromote ang kanilang mga produkto kung saan ay katuwang dito ang BNI.
Layunin din ng nagkaisang grupo na makatulong at mahikayat ang iba pang mga investors na mamumuhanan sa Pilipinas at makalikha ng mga trabaho para sa mga pinoy
Binigyan-diin ni Jang na ang pagtutulungan ng mga foreign at local businessman ay makatutulong din anya sa ekonomiya ng bansa at maraming pinoy ang mabibigyan ng trabaho. (JOJO SADIWA)