Advertisers

Advertisers

DINUMOG SA PASIG, SIGNATURE DRIVE NG FPJ VOLUNTEERS 

0 53

Advertisers

Nagmistulang fiesta sa Pasig City Mega Market nitong sabado ng umaga, bukod kasi sa ito ay araw ng palengke o tiangge day, libu-libong mamimili ang nasurpresa ng mga volunteers ng FPJ Panday Bayanihan sa isinagawa nitong Signature Drive at pamamahagi ng re-usable sako-ecobag.

“Nagulat kami sa napaka-init na pagtanggap ng mga mamimili dito sa palengke ng Pasig, sobra-sobra ang pagmamahal nila kay Fernando Poe Jr.” masayang kwento ni Mr. Elmo Gellegani, tumatayong Team Leader ng mga volunteers.

“Definitely uulitin namin ito dito sa Pasig Mega Market, masaya kaming nakakalap ng halos sampung-libong pirma na willing suportahan at ituloy sa Kongreso ang mga pangarap ng yumaong  FPJ” dagdag pa ni Mr. Gellegani.



Layunin ng nasabing signature drive ng grupo ang makalikom ng daan-daan libo kungdi man milyung pirma ng pagsuporta upang ihayag sa taong-bayan ang kahandaan ituloy sa Kongreso ang mga adbokasiya ni FPJ sa pamamagitan ng anak ni Senadora Grace Poe na si Dr. Brian Poe Llamanzares, ang unang nominado ng FPJ Panday Bayanahin Partylist.

Nagpahayag din ang nasabing grupo na kanilang susurpresahin ang mga mamimili sa ibat-ibang pamilihan sa Mega-Manila at probinsya ng Rizal sa mga susunod na araw.