Advertisers
Para sa pansariling interes at pagpapairal ng diktaduryang sistema ay inilunsad ang malawakang EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) na inihalintulad mula sa tinaguriang DAVAO MODEL.., na mismong si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang MASTERMIND sa paglulunsad ng BLOODY WAR gamit ang INTELLIGENCE FUND para sa pagbibigay ng REWARD MONEY sa mga pulis na makapapatay ng mga sangkot SA ILLEGAL DRUG TRADES.
Sa ika-8 pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay isiniwalat ni EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA na si EX-PRES. DUTERTE ang MASTERMIND ng isang brutal na EJK at ito ay itinulad sa DAVAO MODEL o ang sistemang REWARD MONEY sa mga pulis na makapapatay sa mga inaakusahang sangkot sa ILLEGAL DRUGS.
Ipinaliwanag ni GARMA na ang sistemang REWARD MONEY ay nag-uudyok sa karahasan upang ang mga operatiba ay ganahan sa pagtalima na ang DAVAO MODEL ay kinapapalooban ng 3 uri ng pagbabayad.., una ay gantimpala para sa pagpatay ng mga pinaghihinalaan o inaakusahan; pangalawa ay pondo para sa mga nakatakdang operasyon; at ang pangatlo ay isang refund para sa mga nagastos.., na ika nga ay pinaaktibo ni DUTERTE ang mga pulis para sa pagpatay gamit ang pera ng sambayanan.
Inihayag pa ni GARMA na kinausap umano siya ni DUTERTE at nagpapahanap ng mapagkakatiwalaang pulis na kayang isakatuparan ang sensitibong operasyon.., na ang naging katuparan ay sa katauhan ni NATIONAL POLICE COMMISSION (NAPOLCOM) EDILBERTO LEONARDO para sa madugong operasyon katuwang sina SEN. BONG GO at SEN. BATO DELA ROSA.., na ang mga pulis na makapapatay ng mga drug suspect ang nakatatanggap ng REWARD MONEY at ang mga pag-aresto ay nakakuha ng pondo para sa mga operasyon at refund sa mga nagastos.
Dagdag pa sa kontrobersya ay kinumpirma ni EX-PRESIDENTIAL COUNSEL CHIEF ATTY. SALVADOR PANELO na ang paggamit ng INTELLIGENCE FUND sa BLOODY WAR ON DRUGS.., at sa panayam ng DWAR ABANTE RADYO ay sinubukan ni PANELO na maliitin ang mga pahayag ni GARMA at iginiit na hindi kailangan ng pulisya ng karagdagang pera para gawin ang kanilang trabaho. Tinuran ni PANELO na ang mga pondong ito ay ginamit upang labanan ang mga DRUG SYNDICATE, subalit ang katotohanan ay malinaw na ito ay naging takip para sa pagpapalaganap ng pagpatay na nakatuon sa mga mahihirap.
Kinumpirma rin ni EX-COL. EDUARDO ACIERTO na ito ay isang OPEN SECRET na ang mga pondong ginamit para tustusan ang WAR ON DRUGS ay kinuha mula sa INTELLIGENCE BUDGET ng OFFICE OF THE PRESIDENT.
Sa testimonya ni GARMA ay halata ang damdaming kaniyang kinikimkim na nag-udyok kay SENIOR DEPUTY SPEAKER DONG GONZALES na tanungin kung siya ay nakararamdam ng pressure.., at nalitanya naman nito ang “inabot ako ng isang linggo para magmuni-muni. Napagtanto ko na ang katotohanan ay palaging magpapalaya sa atin.”
ANG mga rebelasyon sa mga pagdinig ay malinaw na isinasalarawan ang brutal na pang-aabuso sa kapangyarihan ni DUTERTE.., na ang GOVERNMENT FUNDS ay inilipat sa INTELLIGENCE OPERATIONS para pasiklabin ang marahas na kampanya laban sa mga DRUG OFFENDER.., subalit ang mayorya ay pawang mahihirap at walang kalaban-laban ang mga nadale na ang ganitong aksyon ay nagpapakita ng hayagang paglapastangan sa HUMAN RIGHTS at pananamantala sa limitadong GOVERNMENT FUNDS na ginamit para sa personal at pampulitikang interes ni EX-PRES. DUTERTE.
Mga ka-ARYA.., ang ganitong karumaldumal na pamumuno ay hindi na dapat pang mamayani na ang lahat ng nagsiabuso sa KAPANGYARIHAN ay dapat lamang papanagutin.., na kung magagawa ito ng administrasyon ngayon ni PRES. FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na malinis ang gobyerno sa hanay ng CORRUPTIONS at maisadlak sa piitan ang mga nagsiabuso ay siguradong maibabalik ang buong pagtitiwala ng sambayanan sa INTEGRIDAD ng ating gobyerno!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.