Advertisers

Advertisers

INTELHENCIA NI “BURIKI KING RICO” SA PNP, NBI, DOBLADO!

0 1,795

Advertisers

“ONE IN A KIND” sa larangan ng kailegalan ang “Batangas City Paihi King” sapagkat kung ang maraming syndicate leader ay nahihirapang mag-operate dahil “tinatabla” ang mga ito, hindi pinapayagang magpatakbo o mag-operate ng ilegal na kitaan at di tinatanggapan ng suhol ay ibahin natin si alyas Rico Mendoza?

Sa halip na “tablahin” at patigilin ang kanyang operasyon ay hinikayat pa ito ng ilang matataas na opisyales ng Batangas, PNP Region 4A at NBI na ituloy ang kanyang salot na negosyo, kapalit ng doblado o 100 percent na taas-weekly payola o intelhencia.

Dati ay pumapalo lamang sa tig Php 300k ang lingguhang payola ni King Rico para sa mga “pasok” na ilang opisyales ng Batangas at Region 4A PNP Offices at ipinakokolekta sa dismissed na Die Hard Duterte Supporter (DDS) na Davao Police alyas Sgt. Adlawan na siyang group leader ng mga “kapustahan” (police tong collector) sa buong CALABARZON. Ngunit kinumpirma ng ating police insider na dinoble na ito at itinaas na mula sa dating Php 300k ay naging tig Php 600k bawat “butas” ang kolektong.



Sa dalawang pwesto na pinapatakbo ni King Rico, ang isa ay sa tapat ng Toyota Car Parking Area, Brgy. Banaba South, Batangas City at isa pa sa Brgy. Bulihan sa bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes ay nag-iintelhencia si King Rico ng tumataginting na Php 1.2 milyon bawat isa.

Ang mga kinukubra nina alyas ex- Sgt. Adlawan ay para sa mga opisina sa Batangas PNP Provincial Police Office, PNP Region 4A, bukod pa ang Php 1.2 ukol sa tanggapan ng PNP Chief, Headquarter sa Camp Crame.

Ang dinobleng intelhencia nina King Rico at DDS colonel ang nakikitang malaking dahilan kung bakit tila naging kongkretong pader na di matibag-tibag at naging “super duper untouchable” na sa PNP, NBI hanggang barangay level ang paihi/buriki na may halo pang bentahan ng shabu ang operasyon.

Ang iba pang di masupil na paihi/buriki operation na dawit din sa kalakalan ng droga ay ang Padre Garcia, Batangas paihi group na pinatatakbo nina alyas Tisoy, Nonit, RR at Roy na pawang mga vice lord sa naturang bayan. May mga kuta ang mga ito sa mga barangay ng San Felipe at Bawi.

Ang naturang paihi/buriki con drug group ay siyang sumusuporta at pinagkukunan ng malaking pondo para sa kampanya ng kandidatura ng isang alyas Mike Romantiko.



Ang tong o protection money naman na nauukol sa mga tanggapan ng NBI sa buong lalawigan, rehiyon at maging sa NBI main office sa Maynila, kasama na ang walang kamalay-malay ding si NBI Director Jaime Santiago ay kinokolekta ng isang tiwaling barangay official na alyas Mike at ng sidekick nitong isang alyas Balay.

Tiyak na may mga “ulong gugulong” sa hanay ng NBI. Mahirap ipaliwanag kay Dir. Santiago kung bakit nakalulusot ang mga aktibidad na tulad nito na nakakasira sa imahe ng premier investigating arm ng bansa?

Sa bawat probinsya ng CALABARZON ay may nakatokang tong kolektor. Napaka-swerte ng dati ay nanlilimahid at walang-walang malinaw na pinagkakakitaan na si alyas ex-Sgt. Adlawan. Ngayo’y milyonaryo na ito sa kinikita mula sa pagiging kolektong lider sa naturang rehiyon. Walang ibang ikinabubuhay si ex-Sgt. Adlawan kundi ang pangingikil ng protection money sa mga iligalistang tulad ni alyas Rico at DDS PNP colonel.

Ang mga ninanakaw na kargamentong petrolyo at LPG ay nagmumula sa UniOil, Phoenix Oil at Insular pawang sa Calaca City, Sea Oil sa Mabini, Shell Tabangao, Batangas City at Chevron sa bayan ng San Pascual pawang sa probinsya ng Batangas.

Sa halip na idiretso sa mga lehitimong buyer sa ibat ibang gasolinahan at outlet sa Luzon at Visayas ang kargamento ng mga tanker, capsule at cargo truck, ay inililihis ng mga driver ang kanilang ruta patungo sa burikian nina King Rico sa tapat ng Toyota Car Parking Area sa Bypass Road, Brgy. Banaba South, Batangas City, sa isa pang kuta nito sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Malvar at sa Padre Garcia buriki group.

Ang ibang driver ay sa kuta ng DDS colonel at fake Sgt. Buloy sa may main gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta. Clara nagbebenta ng pinaiihi at binuburiking petro product.

Pagkatapos manakawan ay pinababantuan ng kemikal na Methanol ang mga petro product upang di mahalatang napaihi na ang mga produktong petrolyo. Doon din nagpapasingaw ng malaking kantidad ng LPG.

Ang mga trucking firm na napagnanakawan, ngunit wala namang kamalay-malay ang management ng naturang kumpanya ay ang Jamax, Oleum, GDNC, EAS Tan, Alpha 2, Eco, 7 Fuel, Prime, All Prime, Venture at Petro Ventures. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp. No. 0966406614