Advertisers

Advertisers

Jennica humalili sa ermat na si Jean sa ineendorsong beauty clinic; Andrew nababagalan sa career

0 14

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

GUWAPO at borta, pero nananaig pa rin kay Andrew Gan ang pagiging mahusay na artista.

Lahad niya, “Alam mo, at the end of the day kahit gaano ka-guwapo, kahit gaano kaganda ka, yung craft pa din ang titingnan, and siyempre aside sa craft, yung pakikisama mo sa tao, pakikitungo mo, which is number one, napaka-importante.”



Ilang taon na siya sa showbiz?

“Siguro kasama yung pandemic mga six years,” pakli ni Andrew.

Tinanong namin ang binata kung nababagalan ba siya sa takbo ng kanyang career?

“Kung ako tatanungin oo, parang naano.

“Pero naniniwala pa rin ako na lahat tayo may kanya-kanyang timing, lahat tayo may kanya-kanyang break, in God’s time lahat ‘yan ibibigay Niya kapag ready na tayo, ready na yung character natin, ready na talent natin. “Ibibigay po Niya ‘yan and naniniwala ako na if para sa iyo, kahit sino pang humarang, para sa iyo ‘yan.”



Ano ba ang nais ni Andrew, mas sumikat o mas makilalang mahusay na aktor?

“Ako mas makilalang mahusay na actor. Parang Mon Confiado, Tito Pips [Tirso Cruz III], strong character actor na puwedeng magbida sa pelikula, puwedeng mag-second lead sa series, ganun.

“Hindi ko na po hinahangad yung maging matinee idol, parang okay na po ako dun.”

Kapipirma lamang ni Andrew ng kontrata sa Viva Films at Vivamax o VMX.

Since ang VivaMax ay may mga sexy male stars na nag-o all out sa mga sexy scenes, kaya rin ba ni Andrew?

“Siguro po right material, pag right material puwede pong pag-usapan,” pakli ni Andrew.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi like yung BL [Boys Love] series na ginawa ko back in 2021, may kissing scene yun with Jomari Angeles.

“Hindi ko naman na-imagine na gagawin ko yun sa buhay ko, pero napa-yes ako kasi maganda yung material.”

Co-managed si Andrew ng Viva at ng talent manager na si Tyrone James Escalante ng TEAM o Tyron Escalante Artists Management.

Sa TEAM ay “kapatid” niya as talent sina Jane de Leon at Kelvin Miranda, among others.

Bukod sa showbiz, negosyante rin si Andrew; siya ang mag-ari ng ReLeaf Massage and Nail Spa sa 3rd floor Arbortowne Plaza Gen T. Karuhatan, Valenzuela City.

***

NOON ay si Jean Garcia ang celebrity endorser ng Bioessence, ngayon naman ay ang anak nitong si Jennica Garcia ang ini-launch sa 30th anniversary ng naturang beauty and wellness clinic.

“Natutuwa ako at wala akong ibang gusto para sa Bioessence kundi another 30 years tapos yung anak ko naman po,” tumatawang reaksyon ni Jennica tungkol dito.

“Abangan po natin, magkikita-kita tayo ulit sa 60th anniversary,” at muli siyang tumawa.

Ano ang reaksyon ni Jean na siya naman ang endorser ng Bioessence?

“Masaya po siya, ang sabi po niya sa akin, ‘Please give my regards to Dra. Emma’, kasi malapit po talaga si mama tsaka si Dra.”

Sayang nga lamang at hindi nakadalo si Jean sa launch ni Jennica.

“Opo, may taping po siya. Busy po sila sa Widows War, kasi lock-in po sila.”

Bakit siya napapayag na iendorso ang Bioessence?

“Another thing na naging reason ko to sign with Bioessence, I really like how I feel that my Bioessence family will support me in endeavours that I want outside show business.

“There’s something that I want to do outside acting and when I told Bioessence about it I thought it would be a reason for them to turn me down, but surprisingly, they were full support. I felt more than welcome to join their family.”