Advertisers
Ni Archie Liao
HINDI naikubli ni Jodi Sta. Maria ang kanyang kalungkutan sa napipintong pagkawala ng trabaho ng humigit-kumulang na 100 ABS-CBN employees na iniulat ng isang online news website.
Sa naturang artikulo, apektado raw ang industriya ng telebisyon dahil sa bumabang consumer spending na nagresulta sa mababang advertising income ng kumpanya.
Apektado rin daw ang network dahil sa global decline sa pay TV business.
Hindi pa rin kasi nakababawi ang network simula nang mawalan ito ng prangkisa noong 2020.
Tweet ni Jodi: “Heartbreaking ??”
Marami naman ang nag-react sa malungkot na balita na ibinahagi ng aktres.
Marami ang nakikisampatiya sa mga apektado ng pagbabawas ng tauhan ng nasabing network.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“This is so sad as a Kapamilya.”
“Bilang Kapamilya, super sakit nito.”
“Hugs to everyone that are affected by the decision.”
“Yes… truly heartbreaking. Praying for the God of provision to provide for whatever was lost a hundredfold. Praying for strength for the entire network too.”
“Love you Jodi! Salamat sa pananatili mong Kapamilya, never kang nang-iwan. Kaya asahan mo lahat ng project mo nakasupporta lahat ng Kapamilya sayo kaya lahat ng serye mo nangunguna sa ratings. Thanks for your loyalty.
“Still financially bleeding”
“Unfortunately, probably 10% of people na lang nag watch ng TV, usually Youtube pa nanonood or Netflix. Madalas sa phone nalang”
“kakalungkot naman dadagdag nanaman ang mawawalan ng trabaho.”
“Has anyone here posted the blame to the ABS CBN executives?”
“Ipaghiganti mo si Ms Lavander Fields!”
“The end of FREE TV is near na talaga, unfortunately. Yung lay-off ng 100 employees ng ABS-CBN is something NOT should be laughed about, dahil di lang sila, pati GMA at lalo na ang maliliit na networks. Industry-wide ito.”
May mga nag-engganyo rin na huwag iboto ang mga kongresistang pumabor para ma-deny ang prangkisa ng nasabing network noong nakaraang administrasyon.