Advertisers

Advertisers

Isabelle De Los Santos 1st runner-up sa Miss Aura Int’l 2024

0 24

Advertisers

Ni Oggie Medina

NAGWAGI ang aking pamangkin, si Miss Aura Philippines Isabelle De Los Santos bilang 1st runner-up sa katatapos na Miss Aura International na ginanap sa Turkey. Nagningning si Isabelle at kitang-kita ang kanyang aura ng gabing iyon.
Siya rin ang nagwagi sa Miss Aura International Fan Vote at salamat sa ating mga kababayan sa pagboto kay Isabelle.

Siya ay lumabas na rin sa mga pelikulang Ano’ng meron kay Abok (2022), Becky and Badette (2023) at May for Ever (2024). Siya ay volunteer sa Special Olympics Pilipinas, na tumutulong sa ating mga kapuspalad na mga atleta na may kapansanan.



Maayos ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga Kapampangan na magulang na sina Oly Sason De Los Santos (naging boss ko sa DTI’s CITEM) at dating PNP spokesperson Chief Superintendent Napoleon De Los Santos Jr. (aking relatives by affinity).

Malakas ang ang kutob ko na maaaring magwagi si Isabelle ng international title holder sa nalalapit na panahon.