Advertisers

Advertisers

LANTARANG SUGAL SA P. OLIVEROS STREET SA ANTIPOLO, NAKA TIMBRE RAW KAY PLTCOL MANONGDO?

0 49

Advertisers

NAKOPO na pala nitong mga ‘gambling operator’ na si Toto, Bert, Bradfit at Marcial ang inuumagang sugal na “Color Games at Drop Ball” sa lungsod ni AntipoloCity Mayor Jun Ynares bunga ng lakas umano ng kapit ng mga ito kay PLTCOL RYAN MANONGDO hepe ng lungsod gayundin sa ilang mga tiwaling opisyal ng CIDG Rizal at Rizal Police Provincial Office (RPPO).

Ayon sa aking mga espiya, halos lahat ng ng pergalan namay sandamakmak na sugal inutos sa hepe na ipasara lahat at ewan ang kanila para wala silang kakupetensya sa lungsod kung kaya’t solong-solo ng mga tarantadong sina altas Toto, Bert, Marcial at Bradfil ang malaking bahagi ng koleksyon sa iligal na sugal tulad ng Color Games at Drop Ball maging ang Bookies ng karera, EZ 2, ending games, video karera, lotteng at iba pang illegal number games.

Ipinapangolekta din ng mga kumag na gambling operator ang ilang kilalang media sa lahat ng iligal sa AoR ni PLtCol Manongdo.



Walang sinisino ang mga kupal na gambling operator, na palaging ipinagmamalaki na malapit na kaibigan nila si PLtCol Manongdo at ang alkalde ng lungsod kaya protektado diumano ang kanilang negosyong sugal.

Ayon pa sa source Isa umano sa inaasahan ng isang matataas na sa City Hall ay makalikom ng pondo para sa diumano sa kandidatura ng isang maimpluwensiyang pulitiko sa nalalapit na halalan na manggagaling dimano sa illegal vices.

Naikuwento rin pala ng mga kumag na gambling operator sa mga malapit nilang kaibigan sa media na wala silang problema sa City Hall maging sa mga opisyal ng CIDG Rizal at Rizal PPO maging sa Police Refional Office 4-A na pinamumunuan ni PBGen Paul Kenneth Lucas.

Ayon sa aking mga espiya, mahigit nang amdalawang taon na nag-oopereyt ang lantad na sugal sa kahabaan ng P. OLIVEROS STREET, DELA PAZ ANTIPOLO CITY. Carlo matapos isara ng hepe ang ilang pergalan sa lungsod.

Sinubukan kong tawagan si Mayor Ynares hinggil sa mga ipinamamalita ng mga salot na gambling operator tungkol sa proteksyong nakukuha nito sa kanya pero ako ay nabigo.



Ako naman ay personal na hindi naniniwala na kukunsintihin ni Mayor Ynares ang mga iligal na sugal sa kanyang lungsod, matapos niyang minsang patunayan iyon nang ipag-utos n’ya ang pagpapasara sa mga iligal na sugalan sa lungsod kamakailan.

Pero mabuti na ring hintayin natin ang aksyon ni Mayor ynares sa nirereport nating sugalan sa kanyang syudad para mapatunayan natin na hindi niya kinakanlong o binibigyan ng proteksyon sina Bert, Toto, Marcial at Braddit.

At sa mga taga, Rizal PPO na pinamumunuan ni PCOL FELIPE MARAGGUN maging sa mga opisiyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), lahat kayo ay ipinamamalita ng mga kupal na gambling operator-kolektor na mga protector nila sa kanilang iligal na sugal.

Hihintayin pa ba nating si PNP chief Director General Rommel Francisco Marbil ang mag-utos sa inyo na paghuhulihin at pahintuin ang mga iligal na sugal sa Antipolo at iba pang bayan sa lalawigan ng Rizal bago kayo magsikilos? natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com