Advertisers
Sadya nga bang MENDACIOUS o sa tagalog ay MAPANLINLANG si SENATOR BONG GO para maprotektahan ang pinagkakatiwalaan nitong mga personalidad o isa na siyang AMNESIAC na makakalimutin na sa kaniyang mga pinagsasabi dahil sa mga video recorded speeches niya sa iba’t ibang okasyon ay bumabalandra at nagkokontrahan sa mga sinasabi nito noon at ngayon?
Sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) partikular sa isyu ng REWARD MONEY sa nailunsad na EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) ay abala na ngayon ang mga personalidad sa paghahanda ng kanilang mga pangdepensa, subalit may mga patunay sa kontrahan ng mga sinasabi ni SEN. BONG GO.., tulad na lamang sa isang FACEBOOK VIDEO noong October 15, 2024, ay sinabi ni SEN. GO (ang tinaguriang tagapamagitan sa reward system para sa EJKs).., na wala raw siyang alam tungkol sa ganoong sistema at ang mga pahayag hinggil sa isyu ay pawang mga walang basehang akusasyon lamang.
Yun nga lang ay may ilang recorded speeches itong pinagkakatiwalaan ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na si SEN. BONG GO ay dati na niyang binanggit ang pagkakaroon ng isang REWARD SYSTEM para sa mga POLICE OFFICIAL na kasali sa ANTI-ILLEGAL DRUG CAMPAIGN partikular ang mga tinatawag na “NINJA COPS”.., na ang mga NINJA COP ay mga pulis na muling ibinebenta ang mga drogang nakumpiska sa mga operasyon. Ang nasabing REWARD SYSTEM ay pagbibigay umano ng insentibo para sa matagumpay na mga operasyon kontra droga na nagdulot ng pangamba dahil baka ito ang naging dahilan sa pagtaas ng karahasan at EJK sa ngalan ng drug war.
Mga ka-ARYA.., noong September 24, 2019 ay malinaw na sinabi ni BONG GO sa isang MEDIA INTERVIEW na mayroong umiiral na REWARD SYSTEM na ayon na rin kay EX-PRES. DUTERTE ay para sa laban ng mga NINJA COPS.., at para sa mga napatay na pinaghihinalaang sangkot sa kalakalan ng droga ay nagbigay ng REWARD si DUTERTE sa pamamagitan ni GO ng P1 milyon.., pero kung buhay pa ay P500,000 ang matatanggap na reward ng NINJA COPS.
Ang REWARD SYSTEM na ito ay isang pamamaraan para mahikayat ang POLICE FORCE na kumilos at ilunsad ang BLOODY DRUG WAR na nagresulta sa mga paglabag sa HUMAN RIGHTS. Sadyang napagdududahang labis ang mga pahayag ni GO dahil ito ay nagpapakita ng isang kultura nang pagbibigay insentibo sa mga opisyal para sa kanilang papel sa kampanya., na maaaring nag-udyok sa pang-aabuso sa kapangyarihan kabilang na ang mga walang habas na pagpatay.., at sa likod ng EJK ay si EX-PRES. DUTERTE ang nagbigay ng malinaw na utos sa kanyang mga pulis na pumatay.., na mismong si DUTERTE ay nangakong poprotektahan ang mga pulis mula sa imbestigasyon at prosekusyon hangga’t pinapatay nila ang mga SUSPECTED ILLEGAL DRUG PERSONALITIES.
Ang post ni BONG GO sa Facebook ay higit na nagpapakita bilang desperado at depensibong maniobrasyon sa isinasagawang pagdinig ng CQC patungkol sa isyu ng EJK.., na ang buong DUTERTE CAMP ay tila nagkakanda-kumahog sa pagbuo ng kanilang magiging depensa gayung umaalingawngaw at nagliliwanag ang mga katotohanan sa likod ng mapanlinlang nilang pagpopostura.
Maging si SENATOR RONALD “BATO” DELA ROSA ay nagpupumilit sa pagnanais niyang magsagawa ng sarili niyang imbestigasyon sa SENATE upang suriin daw ang EJKs noong DUTERTE ADMINISTRATION.
Katawatawa naman itong si SEN. BATO na iniisip niyang magugustuhan ng mamamayan ang kaniyang gagawin at pamumunuang SENATE HEARING.., pero, hindi na nito malilinlang pa ang mga tao na isa siya sa mga
pangunahing personalidad na inaakusahan sa EJK at hindi maaaring manguna sa pag-iimbestiga laban sa kaniyang sarili.., ganun din kay SEN. BONG GO na kabilang din sa komiteng maglulunsad ng iSENATE HEARING.
Ang direktang pagkakasangkot nina DELA ROSA at GO sa EJKs ay nagpapahina sa integridad ng imbestigasyon.., dahil si GO ay tinaguriang tagapagpadaloy ng REWARD SYSTEM at responsable sa pamamahagi ng pera sa mga POLICE OPERATIVE.., habang si DELA ROSA naman ang ARCITECHT ng buong TOKHANG OPERATIONS na lahat ay binuo sa ilalim ng DUTERTE LEADERSHIP.
Nangungunyapit pa rin ang kampo ni DUTERTE sa ilusyon ng kapangyarihan sa mamamayan.., subalit hindi madaling mailigaw ang publiko.., tulad na lamang sa Facebook post ni GO ay nag-aalok ng walang iba kundi isang manipis at malinaw na depensa laban sa kanyang mga tungkulin sa brutal na WAR ON DRUGS.., at ang INTERNET ay hindi kailanman mapasisinungalingan na ang kanyang mga naunang pahayag ay nakumpirma ang pagkakaroon ng isang REWARD SYSTEM.
Maging ang panukala ni DELA ROSA para sa pagsasagawa ng SENATE HEARING hinggil sa WAR ON DRUGS ay kakikitaan ng maling sistema na ang mga inaakusahan ang magsasagawa ng pagsisiyasat patungkol sa kanilang mga kinasasangkutan!
Batid na ng sambayanan ang intensiyon nina DUTERTE at ng kaniyang mga kaalyado na hindi na magpapalinlang pa ang mamamayan.., sa halip, ang ninanais ng sambayanan ngayon na sina DUTERTE, BONG GO at DELA ROSA ay harapin na nila ang mga iniaakusa laban sa kanila.., na
mas mabuting itigil na nila ang mga pakitang-taong galaw at humarap na lamang sa pagdinig ng Quad Comm upang sagutin ang mga paratang!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.