Advertisers

Advertisers

Senador Bam pasok sa ‘Magic 12’ ng Pahayag survey

0 93

Advertisers

Pasok si dating Senador Bam Aquino sa “Magic 12” ng Pahayag survey ng Publicus Asia para sa mga kandidatong senador sa darating na halalan sa 2025.

Nasa ika-11 puwesto si Senador Bam sa survey na ginawa mula Oktubre 16 hanggang 17, o pagkatapos ng paghahain ng certificates of candidacy para sa darating na eleksiyon.



Nakakuha si Senador Bam ng 27 porsiyentong suporta sa survey na nilahukan ng 1,500 respondents.

Sa katatapos na Tangere survey na ginawa mula Oktubre 10 hanggang 12, pasok din si Senador Bam sa 11th-12th spots na may 31.21 percent.

Ginawa ang national survey ng Tangere gamit ang isang mobile-based app na may sample size na 2,400 kalahok at may 95 porsiyentong confidence level.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">