Advertisers

Advertisers

Super Marah bagong kabalikat ng masa

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

MAY bagong kabalikat ang masa sa katauhan ni Super Mahra.

Si Super Mahra na taal na Manileno na hindi na matatawaran ang dedikasyon sa paglilingkod.



Sa kanyang karanasan sa pagbibigay ng tulong sa mga taong nasa laylayan, maituturing na ina na siyang takbuhan ng mga nangangailangan ng tulong sa lungsod ng Maynila.

Bukod sa alam niya ang pulso ng masa at ng mga taong nasa laylayan, siya ay may puso ng inang handang makinig sa kanilang mga hinaing.

Si Mahra o Amazing Mahra Tamandong ay isinusulong ang kapakanan ng senior citizens bilang isa sa kanyang mga plataporma.

Kasama rin sa adbokasya niya ang pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon sa mga kabataan at housing projects sa underprivileged.

Aktibo rin siya sa outreach programs tulad ng feeding initiatives sa mga bata at senior citizens.



Si Super Mahra ay kumakandidato bilang alkalde ng Maynila under KBL.

Ang kandidatura niya ay suportado ni Pangulong Bongbong Marcos.