Advertisers

Advertisers

GULPI SARADO SI QUIBOLOY

0 51

Advertisers

Tulad ng inaasahan, gulpi sarado si Apollo Quiboloy, ang nagpapanggap na “anak ng Dios” sa publiko. Tahasan inilabas ng mga dating tagasuporta ang mga kahayupan at kawalanghiyaan ni Quiboloy tulad ng panggagahasa, extortion, at iba pang pagsasamantala. Walang nagawa ang pastor dahil hindi niya napigil ang galit na mga napagsamantalahan umano.

Iniharap siya noong Miyerkoles sa public hearing ng komite ni Sen. Risa Hontiveros. Walang nagawa ang mga kaalyado ni Quiboloy tulad ni Bato dela Rosa, Bong Go, at Imee Marcos. Sa dakong huli, kinondena ni Quiboloy ang public hearing dahil sa isang panig lang umano ang lumabas sa public hearing.

Nagbigay ng testimonya si Teresita Valdehuesa na inabuso umano ni Quiboloy. Isinalaysay ni Valdehuesa kung paano pinagsamantalahan ni Quiboloy ang mga tagasuporta upang makalikom ng maraming salapi para umano sa Kingdon of Jesus Christ (KoJC). Nagbigay rin ng testimonya ang ibang kasapi na lumabag sa batas upang makalikom ng salapi para sa KoJC.



Marami pang lalabas at hindi namin nakikita na may magandang kahihitnan si Quiboloy. Nakikita namin na tuloy-tuloy masisira ang kanyang pangalan at KoJC. Kapag minalas, malamang na makulong si Quiboloy sa dami ng paglabag sa batas.

Walang senador ang nagtanong kay Quiboloy sa kabuuan ng public hearing. Tanging si Risa lang ang may bayag upang magtanong ng diretso kay Quiboloy. Mukhang natakot ang mga hunghang na senador. Natakot mawalan ng boto? Kakaunti lang ang mga kasapi ng KoJC. Ang lumalabas ay maraming kaaway si Quiboloy.
***
MATINDI ang labanan ng mga Nograles at Duterte, ang dalawang pamilya na nagtatagisan ng galing sa Davao City. Noong Lunes, sumailalim si Kin. Polong Duterte, anak ni Gongdi, sa hair follicle test upang malaman kung adik siya sa cocaine at heroin. Kinabukasan, sumunod si Kin. Migs Nograles ng PBA Party List.

Maglalaban sa 2025 bilang kinatawan ng unang distrito ng Davao City sina Polong at Migs. Balitang mahigpitan ang labanan ng dalawang pulitiko. Isa si Migs sa mga mambabatas na may mga maaanghang na tanong hinggil sa palpak na war on drugs ni Gongdi. Hindi dumadalo si Polong sa mga public hearing ng Quad Com.

Balitang negative ang resulta ng eksamin ng dalawang mambabatas. Abangan na lang natin ang banggaan ng dalawang pamilya. Makakalaban ni Karlo Nograles, kapatid ni Migs, si Gongdi bilang alkalde ng siyudad sa timog Mindanao.
***
NAPULOT namin sa Pilipinas, ang website ng mga piling balita sa isyu ng national budget. Basahin ng masinsinan dahil tungkol ito sa OVP at kay Sara Duterte:

BUDGET NG OVP TINAPYASAN NG MAHIGIT p1.3-B



Appropriations Committee chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na nagpasok ng individual at institutional amendments ang kanyang komite sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang ilipat ang P1.3 bilyon mula sa 2025 budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Dahil dito, nadagdagan ng P646.5 milyon ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD, habang P646.5 milyon din ang itinaas ng pondo ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng DOH.
Una nang napagkasunduan ng komite ni Co at ng buong Kamara na bawasan ang 2025 budget ni VP Sara, na mula sa hinihingi nitong P2.037 bilyon ay pinaglaanan ng mga kongresista ng P733.198 milyon.

Katwiran ng mga mambabatas, magkakapareho lang kasi ang functions ng social services program ng OVP at ng DSWD at DOH, kaya doble-doble lang ang naipopondo.
Ayon kay Co, ang realignment ay nagresulta sa malaking katipiran ng gobyerno, partikular sa rental expenditures ng OVP sa 10 satellite offices nito.

“These satellite offices are performing functions that should fall under existing government agencies, leading to unnecessary duplication and higher costs,” paliwanag ni Co.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “SI SENADORA CAMELLA dati gusto i-ban ang unli rice dahil unhealthy daw. Ngayon si Cong. Goma naman gusto ipa-ban ang mga soda sa government offices dahil unhealthy din daw. Pwede rin ba i-ban sa kongreso yung mga mambabatas na walang laman ang kukote?- Rodolfo Medrano, netizen, kritiko

“The Senate has outlived its usefulness. It has become a refuge of big political families and confirmed weaklings and idiots. The recourse is to abolish it and adopt a Unicameral Legislature – the National Assembly. Let’s amend the Constitution. The Senate is now a superfluity, a useless body. Abolishing it means big savings in state expenses.” – PL, netizen, kritiko

“Sara’s most obvious character flaws are best shown by her inability to admit and accept mistakes and her refusal to issue public apology for the mistakes. She thinks she is a goddess entitled to public adulation, although she knows she does not deserve any respect. “ – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@email.com