Advertisers
Ni Rommel Gonzales
TODO ang suporta ni Vice Ganda sa 50th Metro Manila Film Festival kaya kahit nauna nang ianunsiyo noong July 16 na pasok sa unang limang entries ng MMFF sa December ang pelikula niyang “And The Breadwinner Is…” ay dumalo pa rin siya sa announcement ng final five MMFF entries sa The Podium nitong Martes ng hapon, Oktubre 22.
Kasabay dumating ni Vice si Kokoy de Santos na dalawa ang entry, ang “And The Breadwinner Is…” at ang Topakk.
Speaking of Topakk, balita namin ay nanlalamig at nanginginig si Sylvia Sanchez habang hinihintay na ianunsiyo ang final five entries kung saan nakasumite ang Topakk na siya ang producer (Nathan Studios/Strawdogs Studio Productions) at bida ang anak niyang si QC 1st District Congressman Arjo Atayde (kasama sina Julia Montes, Sid Lucero sa direkyon ni Richard Somes).
Pero nang tawagin na ang Topakk at sumampa sa stage si Sylvia, composed at hindi halata na ninenerbiyos siya.
Base sa trailer ng Topakk, mukang malaki ang tsansa ni Arjo na maging Best Actor sa festival.
Itataya naman namin ang aming dignidad sa pagsasabing si Judy Ann Santos ang karapatdapat tanghaling Best Actress sa MMFF awards night sa Disyembre dahil sa husay ni Juday sa Espantaho na pasok sa final five.
Mula sa Quantum Films / Cineko Productions / Purple Bunny Productions, nasa horror film din sina Lorna Tolentino, Eugene Domingo, Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado at Chanda Romero, sa direksyon ni Chito Roño at panulat ni Chris Martinez.
Ang iba pang pasok sa final 5 MMFF entries ay ang:
My Future You (Regal Entertainment, Inc.)
Lead stars: Seth Fedelin and Francine Diaz
Director and writer: Crisanto Aquino
Uninvited (Mentorque Productions / Project 8 Project)
Lead stars: Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon and Lotlot de Leon.
Director: Dan Villegas
Writer: Dodo Dayao
Hold Me Close (Viva Communications Inc.)
Lead stars: Carlo Aquino and Julia Barretto
Director and writer: Jason Paul Laxamana
Ang una namang lima bukod sa And The Breadwinner Is… (ni Jun Lana para sa The IdeaFirst Company) kung saan kasama nina Vice at Kokoy sina Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal at Eugene Domingo na nasa Espantaho nga rin; Green Bones (GMA Pictures / GMA Public Affairs / Brightburn Productions)
Lead Stars: Dennis Trillo, Ruru Madrid, Iza Calzado, Kylie Padilla, Alessandra de Rossi, Sienna Stevens
Director: Zig Dulay
Writers: Ricky Lee and Angeli Atienza; Isang Himala (Kapitol Films / Uxs, Inc.)
Lead stars: Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra, and Victor Robinson
Director: Pepe Diokno
Writers: Ricky Lee and Pepe Diokno; The Kingdom (APT Entertainment, Inc. / MZET TV Productions, Inc. / MQuest Ventures, Inc.)
Lead stars: Vic Sotto, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Sid Lucero, and Sue Ramirez
Director: Michael Tuviera
Writer: Michael Ngu-nario
Genre: Action / Family drama; at ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (Reality MM Studios, Inc.)
Lead Stars: Enrique Gil, Jane de Leon, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa
Director: Kerwin Go
Writers: Kerwin Go, Dustin Celestino, and Leovic Arceta
Ang mga nagsilbing hosts ng announcement ng second batch ng MMFF 2024 official entries ay sina Isabelle Daza at Jake Ejercito.
In-unveil din ang napakagandang bagong commemorative trophy ng MMFF na likha ng Filipino-American visual artist na si Jefrë.