Advertisers
NAKOPO na raw ng mga ‘gambling operator’ na sina alyas Toto, Bert, Bradfit at Marcial ang gabi-gabi at inu-umagang sugal na “Color Games at Drop Ball” sa lungsod ni Antipolo City Mayor Jun Ynares bunga ng lakas umano ng kapit ng mga ito kay PLTCOL RYAN MANONGDO hepe ng lungsod gayundin sa ilang tiwaling opisyal ng CIDG Rizal at Rizal Police Provincial Office (RPPO).
Ayon sa sumbong, halos lahat ng pergalan (perya-sugalan) namay sandamakmak na sugal ay inutos ng mga nabanggit na gambling operator sa hepe na ipasara lahat at ewan ang kanila para wala na umanong kakupetensya kung kaya’t solong-solo ng mga tarantadong iligalista ang malaking bahagi ng koleksyon sa iligal na sugal tulad ng Color Games at Drop Ball maging ang Bookies ng karera, EZ 2, ending games, video karera, lotteng at iba pang illegal number games.
Ipinapangolekta din ng mga kumag na gambling operator ang ilang kilalang media sa lahat ng iligal sa AoR ni PLtCol Manongdo.
Walang sinisino ang mga kupal na mga gambling operator kung saan madalas nilang ipinagmamalaki na malapit na kaibigan nila si PLtCol Manongdo at ang alkalde ng lungsod kaya protektado diumano ang kanilang negosyong sugal.
Ayon pa sa source isa umano sa inaasahan ngayon ng mga nabanggit na mga gambling operator ay makalikom ng pondo para sa diumano sa kandidatura ng maimpluwensiyang pulitiko sa nalalapit na midterm election na manggagaling sa illegal vices.
Naikuwento rin pala ng mga kumag na gambling operators sa mga malapit nilang kaibigan sa media na wala na silang problema sa City Hall at chief of police maging sa mga opisyal ng CIDG Rizal at Rizal PPO hanggang sa Police Regional Office 4-A na pinamumunuan ni PBGen Paul Kenneth Lucas.
Ayon pa sa source, mahigit isang taon ng nag-oopereyt ang lantarang sugal sa kahabaan ng P. OLIVEROS STREET, DELA PAZ ANTIPOLO CITY matapos isara ng hepe ang ilang pergalan sa lungsod.
Sinubukan kong tawagan si Mayor Ynares hinggil sa mga ipinamamalita ng mga kupal na gambling operator tungkol sa proteksyong nakukuha nito sa kanya pero bigo ako.
Ako naman ay personal na hindi naniniwala na kukunsintihin ni Mayor Ynares ang mga iligal na sugal sa kanyang lungsod, matapos niyang minsang patunayan nang ipag-utos n’ya sa dating chief of police ang pagpapasara sa mga iligal na sugalan sa lungsod kamakailan.
Pero mabuti na ring hintayin natin ang aksyon ni Mayor Ynares sa nirereport nating sugalan sa kanyang syudad para mapatunayan natin na hindi niya kinakanlong o binibigyan ng proteksyon itong mga kupal na sina Bert, Toto, Marcial at Braddit.
At sa mga taga Rizal PPO na pinamumunuan ni PCOL FELIPE MARAGGUN maging sa mga opisiyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), lahat kayo ay ipinamamalita ng mga hindot na mga gambling (operator – kolektor) na mga protector nila kayo sa kanilang iligal na hanap buhay.
Hihintayin pa ba nating si PNP chief, Director General Rommel Francisco Marbil ang mag-utos sa inyo na paghuhulihin at pahintuin ang mga iligal na sugal na yan sa Antipolo at iba pang bayan sa lalawigan ng Rizal bago kayo magsikilos mga Sir!
Subaybayan natin!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com