Advertisers

Advertisers

Maligayang kaarawan po, Mahal na Yorme Isko!

0 46

Advertisers

Nagkakamali sila: Di pa tapos ang dahilan

kaya sa mundong itong, Yorme, ikaw ay isinilang.

Totoo, sinadya yun, di aksidente, ikaw ay lumaki sa basurahan,



Pagkat mula sa dugyot na kalagayan, iniahon mo ang sarili sa kahirapan.

Ngunit di lamang sarili ang nais iahon,

sa pagkalugmok at pagkagumon,

May misyon pala na sa iyo ay inihanda,

Ng poong Maykapal para sa Maynila.



Oo, dati ang lungsod ay puspos ng gulo,

nang ikaw dumating, agos ng trabaho ay pinatino mo;

Oo, di agad-agad malulutas ang mga problema,

pagkat malala ang sira, kailangan ay reporma.

Kahirapan ay dapat tugunan ng mabilis na isip at galaw,

Kung gutom ang sikmura, kahit batas ay isusuway

May solusyon ka, Yorme, ito ay magtayo ng ikabubuhay:

Impraestruktura, negosyo, hanapbuhay at kapayapaan

Itinatak mo sa isipan at maging sa panahon ng pandemya,

Hinamon mong labanan, nailigtas libo-libong pamilya

Ngayon ay ligtas at masayang magkakasama.

Sa hangad na lumawak ang mapagsisilbihan,

Yorme nangarap kang magsilbi sa sambayanan;

Ngunit tadhana’y sinabing Maynila ay muling balikan,

Pagkat ang pinagtiwalaan, nagumon sa pasikat,

Mamamayan ay naulila’t araw-araw ay pahirap.

Sabi ng hangin, bumalik ka, Yorme,

Sabi ng tubig, nilinisin mo kami sa dumi.

Dumadaing, umiiyak, iligtas mo kami, Yorme!

Oo, sabi mo, narinig ko ang inyong mga pighati.

Oo, lagaslas ng luha, papawiin ko, gagawing mga ngiti.

Ngayong kaarawan ko, aking ipinapangako,

Samahan ako sa muling pagbabalik sa inyong puso;

Ating itakwil ang mga pangako ng mga nagtaksil,

Di aksidente kaya narito ngayon, Yorme,

Sinadyang sa Maynila , manatili, mamirme.

May misyon ka pang dapat na gawin,

Ito ay ibalik ang dating ningning,

Na pumusyaw gawa ng mga hangaring madilim;

Ah, sa CityHall ng Maynila, sila ay sama-samang walisin;

At gawing aginaldo sa iyong kaarawan,

Maibalik ang gobyernong may katinuan;

Pangako ng mamamayang Manilenyo,

Ibabalik namin ang dangal sa Mayo,

Ibabalik namin muli ang gobyernong Isko Moreno!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.