Advertisers

Advertisers

REWARD SYSTEM PINAIGTING NOONG DUTERTE ADMINISTRATION!?!

0 2,194

Advertisers

Bahagi sa inilunsad na WAR ON DRUGS at maengganyo sa pagtalima ang POLICE OPERATIVES ay isinulong ang sistemang ‘pagpapatahimik’ sa pamamagitan ng pagbibigay REWARD MONEY na kopya sa ipinairal ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE noong siya pa ang DAVAO CITY MAYOR.

Sa malatele-seryeng pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay nadadagdagan ang mga pagpapatibay na mayroon ngang DAVAO DEATH SQUAD (DDS) na itinatag noon ni EX-PRES. DUTERTE mula sa naging pagkumpirma ni EX-SENATOR/EX-JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA hinggil sa naging pahayag ni EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) ROYINA GARMA na ang WAR ON DRUGS ni DUTERTE ay inihalintulad sa DAVAO MODEL at DDS.

Noong DAVAO CITY MAYOR pa si DUTERTE ay nabuo ang DDS na kinabibilangan ng LAW ENFORCEMENT OFFICERS na responsable sa pagsasagawa ng SUMMARY EXECUTIONS sa mga SUSPECTED CRIMINALS at DRUG DEALERS.., na ang DAVAO MODEL naman ay isang REWARD SYSTEM para mahikayat ang mga pulis sa pagtalima at ayon kay DE LIMA ay ginamit ni DUTERTE ang DAVAO MODEL para labanan ang sinasabing talamak na problemang ilegal na DROGA noong MAYOR pa lamang si DUTERTE.



Ipinunto ni DE LIMA na direktang kasangkot umano si DUTERTE dahil ito ang mismong nagbibigay ng mga utos sa pagpatay at nagbibigay ng REWARD MONEY sa mga pulis na nagtatagumpay sa mga operasyon lalo na kung may napapatay.

Ang REWARD SYSTEM na ginamit sa panghikayat para sa mga pagpatay sa DAVAO CITY ay ipinairal sa buong bansa nang naging PRESIDENT si DUTERTE noong 2016.., at sa pagiging PRESIDENT nito ay kaniyang itinaguyod ang mas malawak na pagsugpo ng mga krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga.., siyempre pa lumaganap ang EXTRA JUDICIAL KILLINGS sa ating bansa.

Ipinakita noon ng DUTERTE ADMINISTRATION na ang mga drug offender ay isang malaking banta sa lipunan kaya naman ang mga pulis ay ganoon na lamang ang mga isinagawang mararahas na pamamaraan ng mga pagpatay lalo na sa mga sumasalungat sa sistemang politika sa anyo ng WAR ON DRUGS kuno.

Gayunman ay hindi dapat kaligtaan
na libu-libong biktima ang napaslang noon sa DUTERTE ADMINISTRATION at ang depensa ng mga pulis ay “NANLABAN” ang mga AARESTUHIN kaya nabaril at napatay.

Isiniwalat ni DE LIMA sa CQC na ang salitang “NANLABAN” ay unang binuo umano ng DDS noong MAYOR pa si DUTERTE sa DAVAO CITY.., na ang pagsasabing “NANLABAN” ay walang pagpipilian ang mga pulis kundi ang idepensa ang kanilang sarili at makipagbarilan sa mga aarestuhin.



Naging aktibo ang mga pulis sa WAR ON DRUGS dahil sa REWARD SYSTEM na pera ang kanilang matatanggap sa mga tagumpay nilang operasyon lalo na kung mayroon silang napapatay dahil sa NANLABAN.., na mabisang naging depensa para bigyang katuwiran ang mga pagpatay kahit hindi naman nanlaban ang ilang mga napapaslang para lamang makatanggap ng REWARD MONEY ang mga operatiba.

Ang binuo at ipinairal na DDS, DAVAO MODEL at ang NATIONAL WAR ON DRUGS ni DUTERTE ay napakahalaga para maintindihan ng mamamayan kung paano naisagawa ang mga EJK.., na ang mga naging testimonya nina GARMA at DE LIMA ay naglalantad sa sistemang ipinatupad ni DUTERTE na ang EJK ay kinunsinti, prinotektahan at ginantimpalan ay maaari itong magamit bilang batayan sa paghahain ng CRIMINAL CASE laban kay DUTERTE.

Mga ka-ARYA.., ang pondasyong itinatag ni EX-PRES. DUTERTE ay unti-unting gumuguho na dahil dumarami na ang mga naglalakas-loob na lumantad upang kumpirmahin ang mga ebidensiya na maging ang ilang mga kaalyado ay humihiwalay na kay DUTERTE.., ika nga, nababanaagan na ang pagdatal ng HUSTISYA laban sa mga naging madugong pang-aabuso sa kapangyarihan.., na ang iba’t ibang krimen sa ating bansa sa nakaraang administrasyon ay marapat lamang na papanagutin ang TROPANG DUTERTE sa ating sambayanan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.