Advertisers

Advertisers

Titser dinukot sa Lanao, na-rescue ng NBI

0 14

Advertisers

Nasagip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Iligan District Ofiice (NBI-ILDO) ang isang guro na kinidnap sa Tamparan, Lanao del Sur.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang biktima na isang 25-anyos, isang Arabic teacher at taga-Barangay Maliwanag, Tamparan, Lanao del Sur, nasagip ng mga NBI agents katuwang ang mga operatiba ng Tamparan Municipal Police Station, mga sundalo at elemento ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG).



Sinasabing dinukot ang guro ng tatlong lalaki habang naglalakad pauwi nang bahay nang manggaling sa Mosque at puwersahang isinakay sa isang kulay pulang Toyota vehicle noong Setyembre 26, 2024.

Dahil sa pagtutulungan ng naturang mga operatiba ng gobyerno at local leaders na maisalba ang guro, nagawang palayain ng mga kidnappers ang biktima.