Advertisers

Advertisers

Vilma out, Lorna in, bilang katrabaho ni Juday sa filmfest entry

0 14

Advertisers

Ni Jimi Escala

SUPPOSED to be isang Vilma Santos starrer ang makakasama ni Judy sa entry ng Quantum Films sa MMFF this year.

Nag-back out ang Star for All Seasons, at pinalitan siya ni Lorna Tolentino.



Ang pelikulang “Espantaho” na first time sanang magsasama sa movie ang dalawang tinitingalang Santos, directed by Direk Chito Roño na isa sa paboritong director ni Ate Vi, huh!

Sa nakaraang MMFF 2023 ay si Direk Chito ang chair ng 11-person jury para sa awards, at si Lorna ang vice chair, huh!

Mas piniling gawin ni Ate Vi ang Uninvited na idinirek ni Dan Villegas na pasok din sa 50th MMFF!

Nagbunyi ang mga Vilmanians kasabay ang pangakong susuporta nang husto sa pelikulang Uninvited, huh!

Star-studded ang Uninvited, na iprinodyus ng Mentorque (producer ng MMFF 2023 entry na Mallari, starring Piolo Pascual).



Kasama ng Star for all Seasons sa naturang movie sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, and Ron Angeles.

Ngayon pa lang ay hinuhulaan na isa sa mangunguna sa takilya ang pelikulang Uninvited.

Si Ate Vi ang best actress ng MMFF 2023 para sa When I Met You In Tokyo na kung saan pinagwagian din ng Star for all Seasons mula naman sa iba’t ibang award giving bodies.

Malakas pa rin ang laban ni Ate Vi at malamang mapanalunan pa rin niya ang pinakamahusay na aktres ng this year’s MMFF, huh!

***

Si Nadine Lustre ang naging bida sa Deleter, na naging topgrosser ng MMFF 2022.

Ang nasabing pelikula pa rin ang humakot ng awards kasama na ang best actress award ni Nadine.

Matandaang Si Aga Muhlach naman ang bida sa pelikulang Miracle in Cell No. 7, na as we all knew ay naging topgrosser ng 2019 metro Manila film festival.

Ngayong paparating na MMFF ay pinagsama-sama sina Ate Vi, Nadine at Aga sa pelikulang “Uninvited “, huh!

Sa 39 scripts na nireview ay ang limang pinili ng screening committee ang And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda, Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, Isang Himala ni Aicelle Santos, The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual, at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital nina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro, at Rob Go, huh!