Advertisers
Naantala ang biyahe ng nasa 200 pasahero dahil sa sama ng panahon dala ng bagyong Kristine sa Batangas Port nitong Huwebes.
Dumagdag din sa perwisyo sa pantalan ang pagsadsad ng mga barko sa pier dala ng malalakas na alon at hangin.
Ayon sa pamunuan ng Batangas Port, natanggal sa pagkaangkla ang isang cargo vessel kaya tumama na sa pier.
Nagdulot din ng pinsala ang pag-anod ng isang fuel tanker na humampas na rin sa port.(Jocelyn Domenden)