Advertisers
DAAN-DAAN na mga commuters at pasahero at mga sasakyan ang na-stranded at inabutan ng magdamag sa kalsada makaraang hindi madaanan ang mismong mga highway dahil nagmistulang dagat ang lalawigan ng Cavite dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyong Kristine.
Kabilang sa mga nakaranas na na-stranded ay ang mga pasahero na galing ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na papauwi sa lalawigan ng Cavite.
Hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyo ang mga indibidwal na may dalang sasakyan, gayundin ang mga empleyado at mga factory workers sa Philippine Export Processing Zone Authority (PEZA)
Maraming pasahero ng mga pampasaherong bus galing ng PITX pauwi ng Kawit, Noveleta, Tanza, Naic at Maragondon ay nanatili sa loob ng sasakyan maaraang hindi ito nakapasok dahl lubog sa baha ang ilang bahagi ng Centenial Road at Antero Soriano Highway na nag-uugnay sa nabanggit na mga bayan, habang ang ibang mga empleyado at mga factory workers ay nanatii sa labas ng ilang oras habang hinhintay ang paghupa ng baha at nakawi lamang ang mga ito nang may nasakyaan na dump truck na nag-rescue sa kanila ng ilang mga politiko.
Sa kanilang mga sasakyan na lamang natulong at naagpalipas ng gabi ang mga may sasakyan matapos gawing parking area ang main road sa kahabaan ng Centenial Road at Antero Soriano Highway na nakakasakop ng Kawit, Noveleta at Gen. Trias City dahil hindi makadaan sa lugar papasok ang Tanza dahil umapaw ng tubig ang tulay sa Noveleta.
Ganito rin ang insidente sa mga commuters at mga sasakyan na bumabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway patungo sa Imus City, Dasmarinas City at Tagaytay City na hindi rin madaanan dahil nagmistula din dagat ang nasabing lugar.
Ilan din sa mga pasahero ng mga pampasaherong bus at jeepney ay pinili na lamang na maglakad ng ilang kilometro at nilusong ang baha makaauwwi lamang sa kanilang tahanan. (Irine Gascon)