Advertisers
KUMAMADA si Luka Doncic ng 28 points,10 rebounds at eight assists upang tulungan ang Dallas Mavericks na durugin ang bisitang San Antonio Spurs 120-109 huwebes ng gabi.
Klay Thompson nagdagdag ng 22 points habang kumana ng 6-for-10 mula sa arko sa kanyang debut sa Mavericks. Dereck Lively II may 15 points at 11 rebounds,Kyrie Irving umiskor ng 15 points habang si Jaden Hardy at P.J Washington nag-ambag ng tig-11 points sa panalo.
Julian Champagnie at Jeremy Sochan pinamunuan ang opensa ng San Antonio sa iniskor na tig-18 points. Victor Wembanyama at Harrison Barnes nagdagdag ng tig- 17 points. Nagdagdag rin si Wembanyama ng nine rebounds pero minalas ang tira 5 of 18 mula sa floor, kabilang ang 1 of 8 mula sa ibayo ng arko.
Barnes umiskor ng 14 points bago mag halftime,habang si Champagnie nagdagdag ng 12 para sa Spurs. Doncic may nine points sa half para pamunuan ang Dallas.