Advertisers

Advertisers

Higit 1K na pamilya inilikas dahil sa bagyong ‘Kristine’

0 12

Advertisers

MAY kabuuang 1,055 pamilya at pitong indibidwal ang inilikas sa Maynila sa gitna ng pananalasa ng bagyong ‘Kristine’.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na base sa pinagsama-samang ulat mula sa tanggapan ni department of social welfare chief Re Fugoso, na ang nasabing apektadong mga pamilya ay dinala sa iba’t-ibang evacuation sites.

Sila ay binigyang ng pangunahing pangangailangan tulad ng modular tents, pagkain hygiene kits at iba pa.



Pinasalamatan ng mga chairman ng mga apektadong barangay si Lacuna sa mabilis na pagtulong. Ito ay matapos na bisitahin ng alkalde kasama si Fugoso ang mga ito sa evacuation sites upang kumustahin at alamin ang kanilang kundisyon.

Mismong si Barangay chairman Bubut Igus ng Barangay 20 na sumasakop sa mga lugar ng Isla Puting Bato at Parola sa Tondo ay nagsalita sa mikropono upang magpasalamat kay Lacuna sa kabila ng kanyang mga nasasakupan sa mabilis na Aksyon at tulong ng pamahalaang lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong ‘Kristine’.

Base sa pinagsama-samang ulat mula kay Fugoso, sinabi ng alkalde na ang bilang ng pamilyang kailangang ilikas ay nagmula sa unang distrito ng Tondo na umabot sa 574 ang kabuuan. Dinala sila sa Delpan Covered Court, Green Building OVP Evacuation Center, Bldg. 3 evacuation center at barangay 105 covered court at nagmula naman ito sa mga barangay 128, 101, 20 at 105.

Sa District 2 , Tondo, 39 pamilya mula Barangay 199,
200 at 194 at tatlong indibidwal ang dinala sa barangay halls at evacuation centers.

District 3, 136 pamilya at dalawang indibidwal mula barangay 275 ang dinala sa Delpan Evacuation Center,



District 5, dalawang indibidwal at 39 pamilya mula sa Bgy 775 at 740 ang dinala sa multi-purpose hall at barangay hall.

District 6, may 286 pamilya ang apektado na mula sa Barangays 598, 895, 894, 893, 607, 903, 897, 901, 902 at 606 ang dinala sa Likha at Damka Evacuation Centers, barangay halls, covered courts, multi-purpose halls, Cardinal Church at Baseco Atienza Elem School.

Habang sinusulat ang Balitang ito , sinabi ni Fugoso na ang mga nasabing pamilya ay nagsisimula ng magbalik sa kanilang mga bahay. (ANDI GARCIA)