Advertisers

Advertisers

42K manok nalitson sa sunog sa poultry farm sa Cebu

0 5

Advertisers

Mahigit P100 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa isang poultry farm sa Brgy. Maslog, Danao City sa northern Cebu nitong Sabado, Oktubre 26.

Nasa 46,000 manok ang natusta sa malawakang sunog na nagsimula alas-3 ng madaling araw.



Ayon kay Fire Officer 2 (FO2) Christian Balio ng Danao City Fire Office, rumuronda ang security guard sa bisinidad ng farm nang mamataan ang apoy kung saan matatagpuan ang mga blower.

Ang mga blower ay ginagamit para magbigay ng ventilation at mapanatili ang angkop na temperature sa lugar kung nasaan ang mga manok.

Agad na ginising ng security guard ang dalawa iba pang tauhan sa farm na natutulog sa loob ng control room.

Dumating ang mga bumbero sa farm bandang 3:45 ng umaga at nagawang makontrol pagsapit ng alas-5 ng umaga.

Idineklara itong fire out bandang 5:35 ng umaga.



Umabot sa P101,325,000 ang halaga ng pinsala sa sunog sa poultry farm.

Wala namang nasaktang manggagawa bukod sa mga nasawing manok.

Inaalam pa ng Danao City fire station ang sanhi ng sunog.

Tinitingnan nila ang posibilidad ng electrical overheating na sanhi ng sunog.